Sa Republic Act 11766 na nilagdaan ni Duterte, mula sa dalawang taon, ay maaari nang tumagal ng lima hanggang 10 na taon ang license to carry firearms ng isang indibidwal.
“All licenses to possess a firearm, regardless of type or classification, shall be renewed every five (5) years or ten (10) years, at the option of the licensee,” nakasaad sa batas.
Nakabatay ang renewal ng lisensya sa birthdate ng isang licensee.
Kung mabibigo ang licensee na makapag-renew ng lisensya ng dalawang beses ay madi-diskuwalipika na ito sa pag-apply ng lisensya.
Exempted naman sa batas ang mga elected officials pati na ang mga active at retired military at law enforcement personnel.
Nilagdaan ni Pangulong Duterte ang batas noong Mayo 6, 2022 at inilabas sa media kamakalawa.
Ang mga sumusunod na indibiduwal ang partikular na tinukoy sa bagong batas na maituturing na may “imminent danger” dahil sa kanilang propesyon o negosyo: mga abogado, certified public accountants, accredited media practitioners, cashiers, bank tellers, pari, ministers, rabbi, imams, physicians at nurses, engineers, mga negosyante na ang nature ng business ay maaring maging target ng mga kriminal, elected incumbent at dating opisyal at mga active at retired military at law enforcement personnel.
SHARE ON SOCIAL MEDIA
Cavite COVID-19 Tracker
Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
Other Stories
President ‘Bongbong’ Marcos Jr. Idineklara na holiday sa July 9 para sa Eid’h Adha
Idineklara ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang (July 9, 2022) bilang regular holiday sa pagdiriwang ng Eid'l Adha. Nakasaad sa Proclamation No.2 ni Marcos na ipinagdiriwang ng bansa ang Islamic holiday na ito sa ilalim ng Republic Act 9849 ngunit may...
Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo
Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...
COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na
Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...
2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado
Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.