Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga botante na magpabakuna ng kanilang booster shots bago ang eleksyon sa May 9, 2022 upang magkaroon ng dagdag proteksyon laban sa COVID-19.

“You know, ‘yung booster shots ninyo, it’s still available at anybody can have it, because it’s election time. There will be a crowding again of people congregating and it would be good to have the booster shots before you go out and mix with the crowd,” pahayag ni Duterte sa kaniyang Talk to the People na inilabas ngayong Martes.

Paglilinaw pa ni Duterte, ang mga bakuna ay makakadagdag lamang sa proteksyon at isa sa makakatulong upang maiwasan ang pagkakaroon ng malalalang sintomas ng sakit.

“But if you are normal ka lang, hindi ka masakitin, it can protect you and you can vote there without any- sans the worry about getting an infection again,” dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang nitong nagdaang buwan ay inaprubahan na ng Food ang Drug Administration (FDA) ang pagtuturok ng ikalawang dose ng booster shot sa mga senior citizens, immunocompromised individuals at healthcare workers.

Source: Philippine star
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Top 1 most wanted ng camarines, arestado sa Silang, Cavite

Isang Top 1 Most Wanted Person (WMP) ng Camarines ang naaresto nga mga kapulisan sa isinagawang operasyon nitong biyernes ng madaling araw sa Silang, Cavite. Kinilala itong si suspek na binata, factory worker, tubong Camarines Sur at residente ng Barangay Biga 2...

67-year old na lola, humingi ng tulong para sa kanyang sari-sari store

Humihingi ng tulong ang isang 67-anyos na lola mula sa Ternate, Cavite para ayusin ang kanyang maliit na sari-sari store at makakuha ng tulong medikal para sa kanyang pamilya. Ayon sa ulat ng "24 Oras" nitong Biyernes, ang tindahan ni Editha Festejo ay naging linya ng...

4 katao, sugatan matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse

Sugatan at isinugod sa Hospital ang apat na katao kabilang ang dalawang menor de-edad matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse ang kanilang sinasakyan sa Imus, Cavite. Isinugod sa South Imus Specialist Hospital ang mga biktima na sakay ng Toyota Avanza at...

Silang, Cavite robbery heists, 12 katao iginapos

Labindalawang katao kabilang ang isang doktor at pasyente ng isang klinika ang iginapos at nakulong ng ilang oras matapos looban ng tatlong armadong lalaki ang dalawang establisimyento at nilimas ang kanilang mga pera at ma­hahala­gang kagamitan sa Silang, Cavite...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.