Papayagan na simula sa Oktubre ang pagbakuna ng COVID-19 vaccine sa “general population,” kasama na ang mga menor de edad, matapos itong aprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa regular press briefing nitong Martes, sinabi ni presidential spokesperson Harry Roque, na pinayagan ang maramihang pagbabakuna dahil sa malaking bulto ng mga COVID-19 vaccine na dumating sa bansa, at madadagdagan pa sa mga darating na linggo.

“Äng good news, inaprubahan na ni Presidente ang pagbabakuna ng general population simula po sa buwan ng Oktubre,” ani Roque.

Sa kasalukuyang, mayroon “priority” groups na sinusunod sa pagbabakuna tulad ng mga nakatatanda, frontliners at may comorbidities.

Idinagdag ni Roque na pinayagan din ni Duterte na mabakunahan na ang mga menor de edad. Hinikayat niya ang mga magulang na ipalista ang kanilang mga anak.

“Ating hinihikayat ngayon ay magpa-masterlisting na po ang mga magulang ng mga kabataan para mapalista na yung mga kabataan pag nagsimula na po tayo,” anang opisyal.

“Inaasahan natin na magsisimula rin tayo sa buwan ng Oktubre, aprubado na rin po iyan ng ating,” dagdag niya.

Una rito, binigyan ng Philippine Food and Drug Administration (FDA) ng emergency use authorization ang Moderna at Pfizer-BioNTech vaccine para magamit sa mga edad 12 hanggang 17.

Ayon kay Roque, si National Task Force Against COVID-19 chief implementer at vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr., ang nagrekomenda na bakunahan na ang mga menor de edad.

Sinabi ni Galvez sa naunang pahayag na mahigit 61 milyon doses ng COVID-19 vaccine ang darating sa bansa ngayong Setyembre at Oktubre.

Source: GMA News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.