Ayon sa Facebook post ni Cavite Governor Jonvic Remulla ngayong Biyernes, Hunyo 26, 2020, umabot na sa 538 ang kabuuang bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19 sa buong lalawigan ng Cavite.

Ayon din dito, 25 ang panibagong kaso. Ito ang pinakamalaking talon ng kaso ng COVID-19 sa loob ng 15 linggo sa lalawigan ng Cavite.

Paalala ng gobernador, sumunod sa patakaran dahil maraming frontliner ang nagkakasakit para lamang maging maayos ang kalagayan ng bawat isa sa panahon ng pandemiya. “13 na Pulis ay nag-positive. Their sacrifice being in the frontline deserves our honor and respect. Sumunod po tayo lahat sa batas. Sumunod tayo sa patakaran. Lahat ng ito ay para sa inyo. Huwag natin sayangin ang pinagdadaanan ng nagkasakit na medical at police frontliners para lamang gumala at mag-aliw ng walang katuturan.” ani Remulla.

“I understand the need to balance work, life and fun but please also understand the risk you are taking. Our priority is to be alive and to help save lives. Kung hindi rin naman kailangan lumabas o gumala kung saan maraming tao, ay sa bahay na lang sana tayo. Ang COVID ay napakabilis kumalat lalo na kapag mas malaya ang ekonomiya. I repeat, Staying home saves lives.” dagdag pa nito.

Sa kasalukuyan, mayroong 538 kabuuang kaso sa lalawigan ng Cavite kung saan 194 dito ang gumaling na at 36 naman ang nasawi. Tuluy-tuloy naman ang targeted testing ayon kay Remulla. 

Para sa talaan ng kaso ng COVID-19 sa bawat bayan sa lalawigan ng Cavite, tignan ang ating Cavite COVID-19 Tracker.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.