Matapos ang isinagawang 2022 elections , inihayag ng OCTA Research Group na wala pang naitatalang panibagong COVID-19 sa buong bansa.

Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa public briefing kahapon na bagama’t nagkaroon ng bahagyang pagtaas ng bilang ng COVID-19 cases, ito ay bumaba rin naman.

“Wala pa tayong nakikitang increase ng cases doon sa campaign rallies, sorties. February pa tayo nagkaroon ng campaigns, wala pa namang nagkakaroon ng pagtaas ng kaso na talagang sustained,” paliwanag niya.

“May nagsasabi na maghintay pa tayo up to two weeks. So far wala pa naman tayong nakikitang indication na may cluste­ring of cases dahil doon sa recent elections natin noong May 9,” dagdag pa niya.

Sa kabila nang kumpirmasyong nakapasok na sa Pilipinas ang Omicron subvariant BA.2.12.1. ay walang nakikitang anumang banta na muling magkaroon ng surge ng COVID-19.

Una nang inianunsiyo ng Malacañang nitong weekend na ang Metro Manila at iba pang lugar sa bansa ay mananatili sa Alert Level 1 hanggang sa katapusan ng buwang ito.

Source: Philippine star
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.