Hindi na kakailanganin pa ng mga may hawak na 5 o 10 year old na lisensya na sumailalim sa Periodic Medical Examination (PME), ayon sa Land Transportation Office (LTO).

Kasunod na rin ito ng inilabas na direktiba ni LTO chief Jay Art Tugade na amiyendahan ang LTO Memorandum Circular 2021-2285 o ang Supplemental Implementing Rules and Regulations of Republic Act 10930.

Nabatid na sa ilalim ng nasabing memorandum, bukod sa regular na medical examination bilang requirement sa pagkakaroon ng bago o renewal ng driver’s license, obligado pa ring sumalang sa periodic medical exam (PME) ang mga driver na nabigyan ng lisensiya, na ang bisa ay nasa 5-taon at 10-taon.

Ito ang probisyong nais ipabago ni Tugade dahil wala naman anila itong silbi, batay na rin sa isinagawang pag-aaral, gayundin sa mga nakalap na datos at pagkonsulta sa mga eksperto.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Lumabas din sa mga datos na ang hindi pagsalang sa PME ay hindi naman magiging sanhi ng pagdami ng aksidente sa lansangan.

“There’s no empirical data saying that the periodic medical examination could prevent road crashes,” paliwanag pa ng LTO chief.

Dahil naman sa pag-amiyendang ito, ang magiging bagong kalakaran na ngayon ay isang beses na lang ang mandatory medical examination at ito ay gagawin lang tuwing bago makakuha o makapag-renew ng driver’s license.

“For licenses who will be issued a 5-year validity driver’s license and 10-year validity driver’s license, the medical ­examination shall only be required sixty (60) days prior to or on the specified renewal date,” dagdag pa ni Tugade, sa kanyang memorandum.

Para naman sa mga Pilipinong may driver’s license na nagtatrabaho o nakatira sa ibang bansa, oobligahin ang pagsasalang sa kanila sa medical examination sa loob ng 30-araw mula nang dumating sa Pilipinas bago sila mapayagan na makapagmaneho.

Pahayag pa ni Tugade, “Kami sa LTO ay nani­niwala na ang hakbang na ito ay magdudulot ng bahagyang ginhawa sa publiko dahil bukod sa hindi na sila kailangang gumastos ng paulit-ulit para sa medical examinations, maiiwasan din ang dagdag-abala lalo na sa mga mahahalaga ang oras para sa trabaho. Nasa pagkukusa na lang ngayon ng bawat indibidwal kung nanaisin nilang sumalang sa medical ­examination.”

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Philippine star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.