Nasawi ang isang pitong-taong-gulang na babae, at nasugatan naman ang dalawang iba pa matapos silang makapitan ng dikya sa beach sa Del Gallego, Camarines Sur.
Napag-alaman na tanghali nitong Lunes nang magkayayaan ang biktima na si Rhian Ley Benvinoto at ilan pa niyang kaanak na maligo sa isang beach sa Barangay Sinuknipan. Nasa mababaw na bahagi lang umano ng tubig ang biktima nang magsisigaw ito dahil sa pagkapit ng dikya sa kaniyang binti at paa na pinaniniwalaang isang uri ng box jellyfish.
Nagtulong-tulong ang mga tao na alisin sa biktima ang nakakapit na dikya. Pero nawalan siya ng malay at hindi na umabot ng buhay sa ospital. Nakapitan din ng dikya ang kaniyang tiyuhin at pinsan pero nakaligtas.

Ipinagtataka naman ng ama ng biktima na nasa trabaho noon nang mangyari ang insidente kung bakit bukas ang resort at pinayagang tumanggap ng mga bata gayung mayroon pang pandemic. Nakipag-usap na umano ang may-ari ng resort sa pamilya ng biktima at nangako na magbibigay ng tulong.

Ipinaliwanag ng may-ari ng resort na naglagay sila noon ng net para hindi makapasok ang dikya pero nasira umano ng bagyong “Dante” at kasalukuyan pang ginagawa. Pansamantala daw nilang isasara ang resort. Sinabi ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources na isang uri ng mapanganib na box jellyfish ang dumikit sa biktima.

Source by GMA News
Photo courtesy by GMA News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

CHED, Face to Face Classes para sa Engineering at IT

Ang sunod na batch ng magkakaroon ng face to face na klase ay pinaplano na ng CHED lalo na ang mga kursong kailangan ng hands on na aktibidad tulad ng Engineering, Information Technology, Industrial Technology at Maritime. Pinag-aaralan na ito ng CHED o Commission on...

Alimango Kapalit ng Serbisyo ng Abogado

Kumalat sa social media ang post ni Atty. Noel Allan Bose kung saan ikinuwento niya kung bakit siya may hawak na bugkos ng mga alimango sa labas ng court room. Kuwento ni Atty. Bose, matapos ang isang hearing ay nakiusap ang kaniyang kliyente kung puwede ay mga nahuli...

Libreng Konsulta at Vitamins sa Kawit

Patuloy ang arangkada ng Doktor Sa Barangay project! nitong Hunyo 18, 2021, Huwebes, inihatid naman ito sa kanilang mga kababayang Kawiteño sa Rockwell Classic Homes kasama si Dra. Claudette Pulido. Ito rin ay para maibsan ang hinaharap ng ating mga healthcare...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.