Ginanap ngayong Martes, Hunyo 15, 2021 ang pamamahagi ng rice pack sa mga nasasakupan ng General Mariano Alvarez, Cavite. Samantalang ginanap naman nitong Lunes, Hunyo 14, 2021 ang pamamahagi ng Hygiene Kit.

Nagsagawa ng Rice Distribution sa Rolling Hills sa pangunguna ng butihing Congresswoman Dahlia at Mayor Roy Loyola. Nakasama din nila sina Silang Vice Mayor Aidel Belamide, Former Vice Mayor Percy Cabuhat, Councilor Estelita “Inday” Manalang, TMAPPS Chief Glenn Fontanilla, SK Federation President Nathaniel Nuarin and Brgy. Captain Frankie Alcantara ganun din ang SB Members.

Nakatanggap ng Hygiene Kits na naglalaman ng alcohol, facemasks, face shield, vitamin C, at snacks ang bayan ng GMA, Cavite. Ito ay personal na inihandog ni Congresswoman Dahlia Loyola para sa kanilang mga empleyado. Nagkaroon din ng maikling programa kasabay ng regular flag-raising Ceremony kung saan ito ay dinaluhan nina BM Ivee Reyes, BM Paolo Crisostomo, Silang Vice Mayor Aidel Belamide, at opisyales ng ating lokal na pamahalaan sa pangunguna ni Acting Mayor Maricel E. Torres.

Lubos na nagpapasalamat ang pamahalaang bayan ng GMA kay Congresswoman Dahlia Loyola gayundin sa kanilang tanggapan para sa rice packs at hygiene kits na kanilang ipinagkaloob sa mamamayan ng GMA, Cavite.

Photo courtesy by City Government of General Mariano Alvarez

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Umabot na sa Halos 115,000 Doses ng Bakuna ang Naiturok sa Imus, Cavite

#BidaAngMayBakuna Update:115,000+ COVID-19 Vaccines Administered! Umabot na sa sumakatutal na 115,042 ang bilang ng mga bakunang naiturok para sa first and second dose ng ating vaccination program simula nang ito ay ating inilunsad. Walang patid ang ating pagsisikap...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.