Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Nilinaw ng Department of Education (DepEd) na hindi kinakailangang magsuot ng school uniform para sa online classes.

Ihinayag ni DepEd Secretary Leonor Briones na hindi required ang pagsusuot ng school uniform sa anumang distance learning approaches para sa darating na school year 2020-2021. Ito ay matapos sabihin ng isa sa mga provincial officials nito na ang pagsusuot ng uniporme ay kinakailangan pa rin kahit na online ang mga klase.

Ayon kay Dr. Salustiano Jimenez na direktor ng DepEd Region 7, kinakailangan ang pagsusuot ng uniporme para makaiwas sa bullying.”To prevent from bullying na mangyayari, ini-encourage na dahil nasa platform ka na online, puwede lang magbihis ng angkop sa klase,” aniya.

Ipinunto ni Jimenez na ang online classes ay mayroon pa ring classroom setting kung kaya’t kailangan pa ring magsuot ng estudyante at guro ng school uniform.

Gayunpaman, hindi ito sinang-ayunan ni Briones. “Even before the pandemic, it is not a strict requirement for public schools to wear uniform (DepEd Order No. 065, s. 2010) to avoid incurring additional cost to the families of our learners,” ani Briones.

“With face-to-face classes prohibited, learners are welcome to wear their most comfortable and appropriate clothes while learning at the safe confines of their homes,” dagdag nito.

Ang klase para sa School Year 2020-2021 ay nakatakdang magsimula sa Agosto 24, 2020.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.