Inirekomenda ng Phi­lippine Pediatric Society (PPS) at Pediatric Infectious Disease Society of the Philippines (PIDSP) ang patuloy na pagsusuot ng face masks ng mga bata habang nasa loob ng mga paaralan para maiwasan na mahawa sila ng COVID-19 at hindi magkaroon ng seryosong mga kumplikasyon.

Ikinatwiran ni PIDSP president Dr. Fatima Gimenez na ang mga bata na nasa edad apat na taong gulang pababa ay hindi pa pinapayagang makatanggap ng CO­VID-19 vaccines habang primary vaccines pa lamang ang ibinibigay sa mga nasa edad 5-11, at unang booster dose pa lang sa mga nasa 12-taon pataas.

Sinabi niya na mayroong kundisyon sa mga dinapuan ng COVID-19 at nakarekober na tinatawag na MIS-C o “multisystem inflammatory syndrome” na may masamang epekto sa bata partikular sa puso at sa respiratory system.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Sa datos ng Department of Health (DOH) nitong Biyernes, mayroong 3,939 adolescent o edad 12-17 ang dinapuan ng COVID-19 mula Set­yembre 1 hanggang Nob­yembre 3.

Sa kabila nito, ipatutupad naman ng DepEd ang Department Order 48, na ginagawang boluntaryo na ang pagsusuot ng face mask sa indoor at outdoor ng mga paaralan base na rin sa Executive Order No. 7 ng Malacañang para sa optional face masks.

Ngunit paalala ng PPS at PIDSP na ang pagsusuot pa rin ng face mask habang nasa face-to-face classes ang pinakamabisang paraan laban sa pagkahawa ng virus lalo na sa mga bata na hindi pa nababakunahan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Phillippine star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

Bawas presyo sa ilang mga produktong petrolyo, ipatutupad ngayong araw

Magpapatupad nang bawas singil ang ilang kumpanya ng langis sa halaga ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw ng Martes, Nobyembre 22, 2022. Bababa ng P2.15 sa kada litro ng diesel, habang P2.10 per liter sa kerosene. Bababa naman sa P0.40 per liter ang presyo...

P2k cash allowance para sa PWD, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ni Quezon City Rep. PM Vargas sa Kamara ang pagbibigay ng P2,000 cash allowance kada buwan bilang tulong sa mga persons with disabilities (PWDs). Sa panukalang Disability Support Allowance Act (House Bill 5803), sinabi ni Vargas na ang nabanggit na social...

Pagpapatayo sa Cavite-Bataan bridge, uumpisahan na sa 2024

Magsisimula na ang pagtatayo ng P175 bilyong inter-island bridge na Magdudugtong sa lalawigan ng Cavite at Bataan sa unang quarter ng 2024, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang 32 kilometrong proyekto ay isang cable-stayed bridge na itatayo sa...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.