Inaprubahan ni ­Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. nitong Miyerkules ang pagkakaroon ng Water Resource Management Office WRMO na makasisiguro sa pagkakaroon ng sapat na suplay ng tubig sa bansa.

Sa multi-sectoral meeting sa Malacañang, kung saan ipinatawag ang mga opisyal ng Department of Environment and Natural Resources, tinalakay ni Marcos ang kahalagahan ng pagpaplano patungkol sa pamamahala ng tubig.

Ayon kay Marcos, mahalaga ang pagtatatag ng naturang tanggapan para magsilbing roadmap sa waste management agencies.

Iminungkahi ni Marcos na ang unang tungkulin ng WRMO ay bawasan ang pagiging dependent ng bansa sa deep wells at ayusin ang pag-manage sa water supply.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
“Iyon ay hanggang sa masasabi ko. We have sufficient… there’s enough water in the­Philippines hindi lang natin ginagamit, tinatapon natin,” ani Marcos.

Isang executive order (EO) ang gagawin para bigyang-daan ang National Water Resources Board (NWRB), MWSS (Metropolitan Waterworks and Sewerage System), Local Water Utilities Administration (LWUA) at iba pang ahensyang may kinalaman sa tubig ng DENR na magkaroon ng collaborative mechanism sa ilalim ng WRMO.

Ang WRMO ay ilalagay sa ilalim ng DENR at magiging isang transitory body habang nakabinbin ang paglikha ng isang Water Resources Department.

Kabilang sa mga pangunahing tungkulin ng WRMO ang pagbabalangkas at pagtiyak sa pagpapatupad ng Integrated Water ­Management Plan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Philippine star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.