Pinirmahan na ni President Rodrigo Roa Duterte ang Republic Act No. 11701 na magbibigay ng night shift differential pay sa mga trabahador ng gobyerno at government-owned and controlled corporation (GOOC).

Sa ilalim ng Republic Act No. 11701, ang mga empleyado ng pamahalaan, regular man, contractual, temporary o casual, ay makakatanggap na ng night shift differential pay kung ang trabaho ng mga ito ay papatak simula alas-6 ng gabi hanggang alas-6 ng umaga.

Nakapaloob sa batas na hindi lalampas sa 20 percent ng hourly basic rate ng isang empleyado ang matatanggap na night differential pay sa kada oras na ipapasok ng isang kawani, na papatak sa 6 PM hanggang 6 AM.

Hindi sakop ng batas na ito ang mga government employee na on call, maging ang mga tauhan na 24 hours a day ang kinakailangang serbisyo, tulad ng Armed Forces of the Phiilippine (AFP), Philippine National Police (PNP), Bureau of Fire Protection (BFP), at mga personnel mula sa Bureau of Jail Management and Penology ((JMP).

Pirmado ni Pangulong Rodrigo Duterte ang batas, ika-13 ng Abril, 2022.

Source: Radyo Pilipinas
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.