Nakatakdang simulan ng gobyerno ang pagbabakuna laban sa COVID-19 sa mga bata na edad 5 hanggang 11 taon sa Pebrero.

Ayon kay National Task Force (NTF) Against Covid-19 chief implementer, Secretary Carlito Galvez Jr., nakahanda na ang gobyerno sa gagawing bakunahan ng mga bata na pasok sa nasabing age group.

“Iyong ating memorandum guidance ay lalabas po ngayong week at ‘yung ating town hall meetings na pamumunuan po ng DOH and series of trainings ay tuluy-tuloy ngayong week, from January 24 to 28. Darating po next week ang mga supply at puwede na po tayong mag-roll out by February 4 next Friday,” ani Galvez.

Gagamitin ang Pfizer COVID-19 vaccine na may angkop na formula para sa mga may edad -11.

Para sa unang bahagi, isasagawa ito sa isang ospital at isang local government unit (LGU) site sa bawat siyudad sa loob ng National Capital Region (NCR).

Pagkatapos ng isang linggo ay saka palalawigin sa ibang bahagi ng Metro Manila at iba pang rehiyon.

Base sa data ng NTF nasa 7,246,430 adolescents, o mga bata na may edad 12 to 17 ang kumpleto na ang bakuna laban sa COVID-19.

Source: Phil Star
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Bawas presyo sa ilang mga produktong petrolyo, ipatutupad ngayong araw

Magpapatupad nang bawas singil ang ilang kumpanya ng langis sa halaga ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw ng Martes, Nobyembre 22, 2022. Bababa ng P2.15 sa kada litro ng diesel, habang P2.10 per liter sa kerosene. Bababa naman sa P0.40 per liter ang presyo...

P2k cash allowance para sa PWD, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ni Quezon City Rep. PM Vargas sa Kamara ang pagbibigay ng P2,000 cash allowance kada buwan bilang tulong sa mga persons with disabilities (PWDs). Sa panukalang Disability Support Allowance Act (House Bill 5803), sinabi ni Vargas na ang nabanggit na social...

Pagpapatayo sa Cavite-Bataan bridge, uumpisahan na sa 2024

Magsisimula na ang pagtatayo ng P175 bilyong inter-island bridge na Magdudugtong sa lalawigan ng Cavite at Bataan sa unang quarter ng 2024, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang 32 kilometrong proyekto ay isang cable-stayed bridge na itatayo sa...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.