Isinusulong sa Kamara ang P750 minimum wage increase sa lahat ng mga manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa.
Sa ilalim ng House Bill 7568 ng Makabayan bloc solons na sina House Deputy Minority Leader France Castro, House Assistant Minority Leader Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, sakop din ng panukala ang agricultural at non-agricultural enterprises sa pribadong sektor.
Ani Brosas, katanggap-tanggap ang nasabing halaga dahil sinasalamin din nito ang kasalukuyang gap sa kasalukuyang minimum wage levels at family living wage sa mga rehiyon.
Binanggit din ng mga may-akda ang ulat na nagpapakitang tumalon ng 17.5% noong 2021 o P13.44 trilyon ang kita ng mga kompanyang ito, mula sa P11.44 trilyon na naitala sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.
“Tumataas ang tubo ng mga kumpanya tapos may savings pa sa mas mababang buwis sa ilalim ng CREATE Law, ngunit hindi naman tumataas ang sahod ng mga manggagawa,”dagdag pa ni Brosas.Sa ilalim ng House Bill 7568 ng Makabayan bloc solons na sina House Deputy Minority Leader France Castro, House Assistant Minority Leader Arlene Brosas at Kabataan party-list Rep. Raoul Manuel, sakop din ng panukala ang agricultural at non-agricultural enterprises sa pribadong sektor.
Ani Brosas, katanggap-tanggap ang nasabing halaga dahil sinasalamin din nito ang kasalukuyang gap sa kasalukuyang minimum wage levels at family living wage sa mga rehiyon.
Binanggit din ng mga may-akda ang ulat na nagpapakitang tumalon ng 17.5% noong 2021 o P13.44 trilyon ang kita ng mga kompanyang ito, mula sa P11.44 trilyon na naitala sa kasagsagan ng pandemya noong 2020.
“Tumataas ang tubo ng mga kumpanya tapos may savings pa sa mas mababang buwis sa ilalim ng CREATE Law, ngunit hindi naman tumataas ang sahod ng mga manggagawa,”dagdag pa ni Brosas.
Idinagdag pa rito ang tumaas na buwanang kontribusyon sa Social Security System (SSS) at Pag-IBIG habang nakatakda namang tumaaas ang buwanang kontribusyon sa PhilHealth.
Nanawagan naman ang mga mambabatas kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na sertipikahang urgent ang House Bill 7568 upang makatulong sa milyon-milyong naghihikahos na mga manggagawang Filipino sa bansa.
“Significant wage increase is long overdue. Imbis na Charter Change ang atupagin ng gobyerno, dapat nitong gawing prayoridad ang umento sa sahod upang makapagbigay alwan sa tumitinding krisis sa ating bansa,” aniya.
SHARE ON SOCIAL MEDIA
Cavite COVID-19 Tracker
Other Stories
Bawas-presyo sa petrolyo, ipatutupad simula ngayong Martes
Magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng malaking bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Marso 22. Magkakasunod na inanunsyo ng mga kompanya ng langis sa bansa ang pare-parehong halaga ng itatapyas nila sa kanilang mga produkto at...
P1 Milyon cash gift, ipagkakaloob sa Pinoy na aabot sa 101 taong gulang
Isinumite na ng Special Committee on Senior Citizens sa Kongreso ang panukalang pagkalooban ng P1 milyong cash gift ang mga Pilipino na aabot sa 101 taong gulang. Sa ilalim ng House Bill (HB) 7535, tatanggap ng P1 milyong cash gift at liham ng pagbati mula sa Pangulo...
Dagdag P150 sa kada araw na sahod sa lahat ng manggagawa, isinusulong ni Cong. Jolo Revilla
Isinusulong ni Conressman Jolo Revilla ang isang panukalang batas na magdadagdag ng halagang P150 na sahod sa lahat ng mga manggawa sa pribadong sektor sa buong bansa. Tinalakay ng House of Representatives Committee on Labor and Employment Sub-Committee on Labor...
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inumpisahan na
Magpapatupad na ng dagdag-bawas sa mga presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula nitong martes, ika-14 ng Marso 2023. Sa anunsiyo ng kumpanyang Shell, may dagdag na ₱1 ang kada litro ng gasolina. May bawas naman sa kada litro ng diesel...
