Isinusulong ngayon sa Kamara ang House Bill 6743 o panukalang magbibigay ng P2,000 subsidiya para sa mga magulang ng mga batang may kapansanan o Person with Disability.

Inihain nina Davao City Congressman Paolo Duterte, Eric Yap ng Benguet, at sina ACT-CIS Cong. Edvic Yap, Jocelyn Tulfo, at Jeff Soriano ang House Bill 6743.

Sa ilalim ng nasabing panukala na pinamagatang “Monthly Subsidy for Parents with Children with Disability Act,” makakatanggap ng P2,000 na monthly pension ang mga magulang na may anak na PWD na ang edad ay 21 taong gulang pababa.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Ayon kay Cong. Duterte, “tulong ito ng estado sa mga magulang sa gastusin nila sa maintenance medicine o therapy ng kanilang PWD na anak”.

“Binase namin ang bill na ito sa pag-aaral ng DSWD sa panahon ni dating Sec. Erwin Tulfo na mas hirap ang pamilya na may PWD pagdating sa gastusin,” ayon naman kay Cong. Yap, na isa rin sa mga may-akda ng panukala.

“Alam namin na hindi ito sapat pero kahit papaano ay makatulong sa gastusin buwan-buwan sa panga­ngailangan ng PWD na anak,” dagdag naman ni Cong. Soriano.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Philippine star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

Bawas-presyo sa petrolyo, ipatutupad simula ngayong Martes

Magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng malaking bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Marso 22. Magkakasunod na inanunsyo ng mga kompanya ng langis sa bansa ang pare-parehong halaga ng itatapyas nila sa kanilang mga produkto at...

P1 Milyon cash gift, ipagkakaloob sa Pinoy na aabot sa 101 taong gulang

Isinumite na ng Special Committee on Senior Citizens sa Kongreso ang panukalang pagkalooban ng P1 milyong cash gift ang mga Pilipino na aabot sa 101 taong gulang. Sa ilalim ng House Bill (HB) 7535, tatanggap ng P1 milyong cash gift at liham ng pagbati mula sa Pangulo...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inumpisahan na

Magpapatupad na ng dagdag-bawas sa mga presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula nitong martes, ika-14 ng Marso 2023. Sa anunsiyo ng kumpanyang Shell, may dagdag na ₱1 ang kada litro ng gasolina. May bawas naman sa kada litro ng diesel...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.