Arestado ang isang caretaker na suspek sa pagnanakaw matapos nitong kunin ang mahigit P2.1 milyong halaga ng mga antikong painting at mga relihiyosong imahe mula sa bahay at bodega ng kanyang amo sa Alfonso.

Batay sa ulat ng Cavite police, ang may-ari, na kinilala lamang sa sa pangalang “Francis,” 63, at isang antigong kolektor, ay nagtungo sa pulisya ng Alfonso dakong 6:30 ng gabi upang magsampa ng reklamo laban sa kanyang house caretaker

Iginiit ng complainant na nagnakaw umano si De Lima mula sa kanyang antigong koleksyon – mga painting at ivory images ng ilang religious figure – sa kanyang mga bahay sa Barangay Esperanza Ilaya sa Alfonso, Barangay Zambal sa kalapit na Tagaytay City, at kanyang bodega sa Barangay Luksuhin Ibaba sa Alfonso.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Sa naturang ulat, sinabi na natuklasan lamang ng may-ari noong Sabado na nawawala ang ilang mga piraso ng kanyang koleksyon. Dagdag pa rito, wala umanong senyales ng sapilitang pagpasok sa kanyang mga bahay at bodega.

Tinatayang nasa P2,150,000 ang halaga ng mga ninakaw.

Matapos magsampa ng reklamo ay kaagad na na pinuntahan ng Alfonso police ang bahay ng suspek sa Barangay Zambal at inaresto ito makalipas ang ilang oras.

Narekober ng pulisya ang dalawang ninakaw na painting na nagkakahalaga ng P300,000 sa bahay ng suspek.

Sa kasalukuyan ay nakakulong ang suspek at nahaharap sa kasong kriminal.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Manila Bulletin
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

Bawas presyo sa ilang mga produktong petrolyo, ipatutupad ngayong araw

Magpapatupad nang bawas singil ang ilang kumpanya ng langis sa halaga ng mga produktong petrolyo simula ngayong araw ng Martes, Nobyembre 22, 2022. Bababa ng P2.15 sa kada litro ng diesel, habang P2.10 per liter sa kerosene. Bababa naman sa P0.40 per liter ang presyo...

P2k cash allowance para sa PWD, isinusulong sa Kamara

Isinusulong ni Quezon City Rep. PM Vargas sa Kamara ang pagbibigay ng P2,000 cash allowance kada buwan bilang tulong sa mga persons with disabilities (PWDs). Sa panukalang Disability Support Allowance Act (House Bill 5803), sinabi ni Vargas na ang nabanggit na social...

Pagpapatayo sa Cavite-Bataan bridge, uumpisahan na sa 2024

Magsisimula na ang pagtatayo ng P175 bilyong inter-island bridge na Magdudugtong sa lalawigan ng Cavite at Bataan sa unang quarter ng 2024, ayon sa Department of Public Works and Highways (DPWH). Ang 32 kilometrong proyekto ay isang cable-stayed bridge na itatayo sa...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.