Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Sinampahan ng P100 mil­yong libel at cyberlibel case ni Senador Manny Pacquiao laban kay Pastor Apollo Quiboloy sa Makati City Pro­secutor’s Office dahil sa mga alegasyon ng korapsyon sa isang proyekto sa lalawigan ng Saranggani.

Sa 13-pahinang reklamo, humihingi si Pacquiao ng P100 milyon bilang kabayaran sa damages bukod pa sa bayad sa abogado dahil sa umano’y paggamit ni Quiboloy sa kaniyang kapangyarihan at impluwensya para magpakalat ng fake news at pekeng impormasyon.

Nag-ugat ang reklamo ng senador sa  isang “television at social media post” ni Quiboloy na nag-aakusa kay ­Pacquiao sa paglustay ng pondo sa hindi natapos na Sarangani Sports Training Center.

Nagkakahalaga umano ang proyekto ng P35 bilyon ngunit nagpakita si Quiboloy ng mga sira-sirang blea­chers at nagtataasan nang mga damo.

Nagkakahalaga umano ang proyekto ng P35 bilyon ngunit nagpakita si Quiboloy ng mga sira-sirang blea­chers at nagtataasan nang mga damo.

Iginiit ni Pacquiao na ang sinasabing P35 bilyon ay inilaan para sa Philippines Sports Traning Cente sa Bataan at walang kinalaman ang senador sa proyekto.  Ang ipinakita rin umanong sira-sirang gusali sa video ni Quiboloy ay kuha ng lumang pasilidad ng Sarangani Pro­vince Sports Comples.

Si Quiboloy ang pinuno ng sektang Kingdom of Jesus Christ, may-ari ng Sonshine Radio at spiritual adviser ni Pangulong Rodrigo Duterte. – Malou Escudero

Source: Phil Star Ngayon

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.