Sa ilalim ng House Bill (HB) 7535, tatanggap ng P1 milyong cash gift at liham ng pagbati mula sa Pangulo ng Pilipinas ang mga Filipino na sumapit na sa kanilang ika-101 kaarawan.
“This is 10 times the P100,000 cash benefit that the Centenarians Act of 2016 provides to Filipinos who reach the age of 100,” ayon kay Senior Citizens Partylist Rep. Rodolfo “Ompong” Ordanes, chairman ng Special Committee on Senior Citizens na pangunahing nagsusulong ng panukala.
Nakapaloob din sa HB 7535 na ang mga Pinoy na sasapit sa gulang na 80, 85, 90 at 95-anyos ay makakatanggap din ng liham mula sa Pangulo ng Pilipinas at cash gift na P25,000.
Sa kasalukuyan, nakakatanggap ng P100,000 cash gift ang mga Pinoy na nasa edad 100 taong gulang.
Umaasa si Ordanes na malaki ang maitutulong nito para sa mga nonagenarians at octogenarians na makapagsaya pa sa nasabing benepisyo ng cash gift habang malakas at malusog pa ang mga ito.
Noong Setyembre 2022 ay inihayag ng Department of Social Welfare and Administration (DSWD) na may 700 pang centenarians ang naghihintay ng kanilang cash gift.
Magugunita na inaprubahan sa Kamara sa ikatlo at pinal na pagbasa ang panukalang nagkakaloob ng P1M sa mga Pilipinong sumapit na sa 101 taong gulang.
SHARE ON SOCIAL MEDIA
Cavite COVID-19 Tracker
Other Stories
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na
Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...
Cavite City Mayor Denver Chua nag Top 1 sa Top Performing City Mayor’s sa CALABARZON at Top 4 naman sa buong Pilipinas
MARAMI PONG SALAMAT SA TIWALA! 💚 Dahil po sa inyong tiwala at suporta ay nanguna po tayo (1st) sa Top City Mayors ng Region 4 (CALABARZON). At pang-apat (4) naman sa buong Pilipinas. Isa lamang po ang hangarin natin, ang mapaganda at muling umunlad ang Cavite City....
Panukalang 150 na dagdag sahod, inaprubahan na sa Senado
Aprubado na sa Senado ang panukalang P150 across the board wage increase sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri na may akda ng Senate Bill No. 2022 o ang Across-the-board Wage Increase Act, ang nasabing...
P1 million cash gift sa mga 101 year old centenarians, aprubado na sa Kamara
Aprubado na sa ikatlo at huling pagbasa ng House of Representatives ang panukalang P1 million na cash gift sa mga Filipino na aabot sa 101 years old at iba pang cash gift para naman sa mga matatanda na aabot sa edad na 80 taong gulang pataas. Sa pamamagitan ng 257...
