May posibilidad na magtapos sa buwan ng Marso o Abril ang kasalukuyang ‘Omicron wave’ sa bansa na maaaring magtapos sa buwan pa Marso o Abril. “We are hoping na by around March to April ay tapos na ‘yung Omicron wave sa buong bansa natin, which means baka makikita natin na less than 1,000 cases per day, pero hindi pa guaranteed ‘yon,” ayon kay OCTA Research fellow Dr. Guido David sa Laging Handa briefing. Sinabi pa ni David na maaaring hanggang Abril pa ang Omicron wave dahil sa nag-uumpisa pa lamang ito sa ibang rehiyon kumpara sa Metro Manila na pababa na ang mga kaso.
“Medyo matatagalan ‘yung Omicron wave kasi kahit na medyo bumababa na sa NCR, Cavite, Rizal, pataas pa lang sa ibang lugar at may mga lugar na hindi pa nagkakaron ng pagtaas eh,” dagdag niya. Umaasa naman si David na maaaring maibaba na ang Alert Level 2 sa Metro Manila sa kalagitnaan ng Pebrero kung magpapatuloy ang pagbaba ng mga kaso o mas mababa na sa 2,000 kaso kada araw. Kailangan umano ng publiko na habaan ang pasensya dahil sa hindi dapat magkaroon ng muling pagtaas ng mga kaso at muling maapektuhan ang buhay ng lahat kung magiging ‘premature’ ang pagbababa sa restriksyon. “Mas mabuting siguraduhin na nating bumaba at bumagsak ‘yung bilang ng kaso katulad nung nakita natin nung October, November to December siguro bago tayo magluwag,” paliwanag pa ni David
Source: Philstar
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Bawas-presyo sa petrolyo, ipatutupad simula ngayong Martes

Magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng malaking bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Marso 22. Magkakasunod na inanunsyo ng mga kompanya ng langis sa bansa ang pare-parehong halaga ng itatapyas nila sa kanilang mga produkto at...

P1 Milyon cash gift, ipagkakaloob sa Pinoy na aabot sa 101 taong gulang

Isinumite na ng Special Committee on Senior Citizens sa Kongreso ang panukalang pagkalooban ng P1 milyong cash gift ang mga Pilipino na aabot sa 101 taong gulang. Sa ilalim ng House Bill (HB) 7535, tatanggap ng P1 milyong cash gift at liham ng pagbati mula sa Pangulo...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inumpisahan na

Magpapatupad na ng dagdag-bawas sa mga presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula nitong martes, ika-14 ng Marso 2023. Sa anunsiyo ng kumpanyang Shell, may dagdag na ₱1 ang kada litro ng gasolina. May bawas naman sa kada litro ng diesel...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.