Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Isang OFW ang humihiling na mas paiksiin ang kanyang quarantine matapos mamatay ang anak nitong babae nitong nakaraang linggo.

Base sa pahayag ni Cedric Castillo, sinugod ang babae nitong anak matapos mamataan ng mga kamag anak nito na siya ay namumutla at di nagsasalita. Resulta ng CT Scan na may namuong dugo sa utak nito na naging sanhi ng kanyang pagkamatay.

Namatay ito nitong Hulyo 7, 2021 pagkatapos ng moving up nito sa Junior High. Ang nanay nito na si Rosamil ay nahirapan pa magbook ng flight mula sa United Arab Emirates na naging sanhi ng hindi pagdating nito sa tamang araw.

Hindi napigilan ng nanay nito ang kanyang luha matapos maalala na huling kita na pala niya nito sa kanyang anak sa video call.

“Hindi mo man lang mahawakan, sa camera mo lang makikita. Hanggang sa tuluyan bumigay na. Kinakausap ko lang: ‘Antayin mo lang si Mama, lakasan mo lang anak,'” pahayag ni Rosamil.

Pangatlong araw na ng 14 days Isolation nito sa Tanza, Cavite at humihiling si Rosamil sa Gobyerno na mas paiksiin ang kanyang quarantine ng sa gayon ay maka attend siya ng buro l ng kanyang anak.

“Nagmamakaawa po sa inyo sa kahulihulihang pagkakataon, pagbigyan niyo na makasama ko ng saglit ang anak ko,” pahayag ni Rosamil.

“Yun ang kahilingan na makita ang anak ko. Nandito na ako sa bansa natin, konti na lang makasama ko ang anak ko,” dagdag nito.

Inihayag ng IATF na tanging Department of Health lamang ang makakapagdesisyon ukol sa hiling ni Rosamil. Iniutos ng Malacañang na magkaroon ng gantong Restriction kabilang na ang UAE sa restriction na ito upang maiwasan ang pagkalat ang maaring dalang sakit ng mga dumating tulad ng COVID-19.

Epektibo ang patakarang ito hanggang sa katapusan ng Hulyo.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.