Patay ang isang 26-anyos na trainee ng Philippine Navy nang malunod habang nagsasanay sa malalim na bahagi ng karagatan sa Marine Base Gregorio Lim, Kaynipa Grande, Brgy. Sapang 1, Ternate, ng lalawigang ito kamakalawa
Hindi na umabot pang buhay sa pagamutan ang biktima na nakilalang si Private Laurence Pabraquil Remontal, 26-anyos.

Sa imbestigasyon ni P/SMS Andres Agcaoili, may hawak ng kaso, kasalukuyan umanong nagsasa­gawa ng underwater knot tying ang biktima sa may 20 feet lalim ng karagatan nang mapansin ng instructor nito na may mga dugong lumalabas sa ilong nito at tila nangingisay ang biktima.
Agad na tinulungang iahon ang biktima at isinugod sa San Lorenzo Ruiz Hospital subalit ayon sa doktor na tumingin dito ay patay na ito dahil sa sob­rang pagkalunod.

Source: Phil Star
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Ayuda para sa pamilya na may anak na PWD, isusulong sa Kamara

Isang panukalang batas ang isinusulong sa Kamara na makatutulong na mabigyan ng financial aid ang mga bawat pamilya na may anak na Persons with disability (PWD). Paliwanag ni ACT-CIS Cong. Edvic Yap, ang natu­rang batas ay isang financial aid para sa mga mahihirap na...

Deadline ng sim card registration hanggang April 26 na lang -DICT

Pinaalala ng Department of Information and Communications Technology (DICT) sa publiko na hanggang April 26, 2023 lamang ang deadline o huling araw ng SIM Card registration. Matatandaang ang mandatory SIM registration ay nagsimula noong Disyembre 27, 2022 at...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.