Photo Courtesy: Mobigyaan
 
Isang 20 taong gulang na lalaki mula sa Bacoor, Cavite ang inaresto matapos mapag-alamang nakaw ang cellphone na ibinebenta nito. Nabuking ang suspek matapos maialok ang nasabing cellphone sa mismong may-ari nito.
Ayon sa ulat ng Abante, ang suspek na kinilalang si Reymart Quimat ay kasalukuyang hawak ng Bacoor City Custodial Center. Ang suspek ay residente ng Sitio Tibag, Barangay Panapaan 3.
 
Nahuli ang suspek matapos itong ireklamo ng may-ari ng biktima na si Ronalyn Barbon. Ayon dito, mayroon umanong kahina-hinalang tao na nagbebenta ng cellphone sa kanilang lugar. Sinubukang makipagtransaksyon ng biktima sa suspek sa pag-asang ito ang ninakaw na cellphone nito.
Laking gulat naman ng biktima na ang cellphone nga nito ang ibinebenta dahil hindi pa nabubura ng suspek ang wallpaper at ilang mga mensahe dito.
 
 
Agad namang inaresto ng mga barangay tanod ang suspek matapos mapatunayan ang krimen. Samantala, ang paliwanag naman ng suspek ay ipinabenta lamang sa kaniya ang cellphone dahilan upang makasuhan ito ng paglabag sa Anti-Fencing law. Ang cellphone na ninakaw ng suspek ay Oppo A12 na nagkakahalaga ng P7,000.00.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

23 Pasyenteng Nakatanggap ng COVID-19 Vaccine, Nasawi

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   23 katao ang namatay sa Norway ilang...

Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cavite, Muling Binabantayan

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Umabot na sa 194 COVID positive...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.