Naglabas ng mensahe para sa kaniyang mga nasasakupan si Naic Mayor Junio Dualan upang ipagbigay-alam ang bagong kaso ng COVID-19 na naitala sa kanilang bayan.

Ayon sa Facebook post nito, ang pasyente daw na nagpositibo sa COVID-19 ay isang babae na nagtatrabaho sa Chinese General Hospital bilang Delivery Room Clerk. Ang naturang pasyente ay taga Ericka Louise Subdivision, Malainen Bago.

Gayunpaman, nilinaw ng Mayor na simula daw December 2019 ay hindi na umuuwi ang babae sa Naic ngunit kailangang maisama ang data nito sa kanilang bayan dahil ang ang recorded address nito ay Naic.

“Mula po December 2019 ay hindi napo siya nauwi dito sa Naic. Kailangan lamang pong mapasama sa data natin dahil ang recorded address niya ay Naic, Cavite. ” ani Dualan.

Kasalukuyang naka-home quarantine ang babae sa tinutuluyan nitong bahay sa Tondo, Manila.

 

Source: Municipality of Naic – Mayor Junio C. Dualan’s Facebook Page

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.