DAHIL SA PAG- IINGAT NA GINAGAWA NG ATING PAMUNUANG LUNGSOD LABAN SA MAS MAPAMUKSANG DELTA VARIANT NG COVID-19 virus, muli nating ibinabalik ang AGE RESTRICTION SA EDAD 18-65 NA SYANG MAAARING LUMABAS AT EDAD 66 PATAAS KUNG KUMPLETO NA ANG BAKUNA.

NARITO ANG MGA SPECIFIC GUIDELINES NA MAHIGPIT NA IPAPATUPAD SIMULA NGAYONG ARAW sa ilalim ng General Community Quarantine (GCQ) with Heightened Restrictions simula 23 July hanggang 31 July 2021.

  • ANG PAGKAIN SA LOOB NG RESTAWRAN o kainang establisyamento (INDOOR DINING) ay pinapayagan lamang para sa mga indibidwal na KUMPLETO ANG KANILANG BAKUNA. 20% ANG APRUBADONG KAPASIDAD.

    Ang pagkain sa labas o sa tinatawag na AL FRESCO DINING ay para lamang sa mga indibidwal na wala pa o hindi pa kumpleto ang kanilang bakuna. 50% ANG APRUBADONG KAPASIDAD.
    Tandaan ang edad MULA 18 ANYOS PATAAS ang pinahihintulutan na lumabas.

  • Oras ng CURFEW ay simula 10:00 PM hanggang 4:00 AM.
  • Ang mga 66 YEARS OLD PATAAS ay maaari na ring lumabas kung kumpleto na ang bakuna. Palagi lamang dalhin ang inyong VACCINATION CARD o VACCINATION CERTIFICATE bilang patunay.
  • Ang mga BABAENG 7-9 BUWAN NA BUNTIS, mga may IMMUNODEFICIENCY, COMORBIDITY, o IBA PANG HEALTH RISKS ay PINAGBABAWAL LUMABAS MALIBAN KUNG MAY KUMPIRMADONG APPOINTMENTS SA CLINIC o OSPITAL.
  •  Ang mga GASOLINAHAN at mga CONVENIENCE STORES ay maaaring magbukas ng 24 ORAS.
  • Ang mga SARI-SARI STORES ay dapat na sumunod sa CURFEW HOURS.
  • Lahat ng mga PALENGKE at TALIPAPA (lahat ng stall selling ng essential at non-essential goods) ay ALLOWED na mag-operate araw-araw hanggang 6PM.
  • Maayos na pagsuot ng facemask at face shield, at physical distancing ay striktong obserbahan.
  • Ang mga HOTELS, RESORT, APARTMENT MOTELS, AT ANG IBA PANG MGA ACCOMMODATION ESTABLISHMENTS na DOT Accredited ay maaring mag accommodate ng mga panauhin/bisita para sa leisure purposes na hanggang 40% VENUE CAPACITY.
    May karagdagang 10% kapag SAFETY SEAL VERIFIED na ang lugar.
    Ang mga establisyamentong may CERTIFICATE OF AUTHORITY TO OPERATE (CAOS) ay pwedeng mag-operate kapag sila ay aprubado o pinahihintulutan ng LGU.
  • Mga bisitang 18 YEARS OLD PABABA at 65 YEARS OLD PATAAS ay nangangailangang mag pakita ng NEGATIVE RESULT sa kanilang RT-PCR TEST ng DI PA LUMALAGPAS NG 72 HOURS sa pag check-in.
  • Ang mga PERSONAL CARE SERVICES gaya ng salons, parlors, beauty clinics, at iba pa ay ALLOWED 50% CAPACITY.
    May karagdagang 10% kapag SAFETY SEAL CERTIFIED.
  • Ang mga RELIGIOUS GATHERING (misa, kasal, binyag, serbisyong nekrological, burol at libing) ay pinapayagan hanggang sa 50% NA KAPASIDAD NG SIMBAHAN O LUGAR.
    Ang pagpapakita ng kumpletong patunay ng kanilang relasyon sa namatay at kabuuang pagsunod sa MINIMUM PUBLIC HEALTH STANDARDS sa kabuuang oras ng pagtitipon ay kailangan.
    MAAARING MAGBAGO KAPAG KINAKAILANGAN.
  • Ang mga PAMPUBLIKONG TRANSPORTASYON (mga jeep, van o bus) ay pinahihintulutang mag-operate hanggang 50% na kapasidad ng kani-kanilang mga sasakyan.
    Ang mga PAMPASAHERONG JEEP ay kinakailangang siguraduhin na bago ang mga plastik o acrylic na dibisyon ng mga upuan, kung hindi, may kaukulang penalty o parusa ang mahuhuling lalabag dito.
    Ang pagsunod sa MINIMUM HEALTH STANDARDS ay kailangan sa lahat ng oras.
  • Ang mga OUTDOOR ATTRACTIONS kagaya ng DAGAT, WATER PARKS at SWIMMING POOLS ay pinahihintulutang mag operate hanggang 50% na kapasidad ng lugar o venue.
    Ang striktong pagsunod sa MINIMUM PUBLIC HEALTH AND SAFETY ay kailangan.
  • Ang INTERZONAL TRAVEL o pagpunta sa mga lugar na may kaparehas na QUARANTINE CLASSIFICATION ay ALLOWED sa mga lugar na napapabilang sa NCR PLUS.
  • Ang INTERZONAL TRAVEL mula sa NCR PLUS ay ALLOWED ngunit ito ay depende pa sa pupuntahang lugar. Walang paghihigpit sa edad para sa P2P Travel, ngunit ang TESTING-BEFORE-TRAVEL ay kinakailangan.
    Ang mga taong KUMPLETO na sa BAKUNA laban sa COVID-19 ay kinakailangang magpakita ng VACCINATION CARD o CERTIFICATE OF QUARANTINE bilang patunay ng estado ng kanilang vaccination mula sa Bureau of Quarantine.
  • Ang NON-CONTACT SPORTS, GAMES at SCRIMMAGES, na PWEDENG GANAPIN SA LABAS ay ALLOWED.
  • Ang mga INDOOR NON-CONTACT SPORTS COURTS o VENUES, mga FITNESS STUDIOS, GYMS ay ALLOWED 50% CAPACITY.
  • Ang mga Indoor Visitor at Tourist Attractions gaya ng mga libraries, archives, at iba pa ay ALLOWED 50%.
  • Ang mga Indoor at Outdoor Sports Courts at Venues para sa contact sports, scrimmages, games, o mga iba pang aktibidad ay BAWAL.
  • Ang mga entertainment venues gaya ng mga bars, concert halls, theatre, at iba pa ay BAWAL.
  • Ang mga recreation venues kagaya ng internet cafe/shop, billiards at mga arcade ay BAWAL.
  • Ang mga AMUSEMENT PARKS, PALARUAN O LUGAR NA PANGLIBANGAN ay pinahihintulutan sa 50% CAPACITY para sa mga BATANG nasa edad na 18 years old and above.
  • Ang sabong/pagsasabong ay BAWAL.
  • Ang mga lugar na pinagdadausan ng mga MEETING, CONFERENCES at EXHIBITIONS ay pinahihintulutan sa 50% na kapasidad ng lugar/venue.
  • Ang pagbenta ng ALAK o INUMING NAKAKALASING sa mga BAR at RESTO BAR ay BAWAL.
  • Ang VIDEOKE ay IPINAGBABAWAL sa kahit anong oras.
    STRIKTONG PAGSUNOD SA MINIMUM HEALTH PROTOCOLS LABAN SA COVID-19:
  • Iwasang hawakan ang mga mata, ilong o bibig gamit ang kamay na hindi pa nahuhugasan
  • Magsuot ng face mask
  • Sumunod sa social distancing
  • Magsuot ng face shield
  • I-sanitize o linisin ang lahat ng mahahawakan
Manatili po tayo na nakatutok sa page na ito sa anumang maaaring pagbabago.
Disiplina at sariling pag-iingat ang pinakalamakas nating laban sa COVID-19.
Maging masunurin at manatiling ligtas, Dasmarineños!
Source: Mayor Jenny Austria-Barzaga
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.