Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Ayon sa bagong utos na inilabas ng pandemic task force, papayagan nang sumama ang mga bata sa staycation kasama ng kanilang mga magulang.

Kinakailangan lamang ng resulta ng reverse transcription-polymerase chain reaction (RT-PCR) testing ang mga magse-staycation batay kay Department of the Interior and Local Government (DILG) chief Eduardo Año.

Kinakailangan ding manatili lamang sa loob ng compound ng pupuntahan nila.

 

“Pinayagan ‘yung mga bata na kasama ‘yung magulang kapag mag-staycation, pupunta sa mga tourist destination provided meron din silang PCR testing. At doon lang sila sa compound ng kanilang pupuntahan. Halimbawa, Boracay, Balesin o Panglao, doon lang talaga sila. Hindi ka puwedeng maglo-loiter at kung saan pupunta, dapat point-to-point lang,” pahayag ni Año.

Dagdag na paalala ni Año, mas makabubuti kung alamin muna ng mga magulang ang health protocols sa pupuntahan dahil iba-iba din ang mga ipinapatupad na patakaran at requirements ng mga ito.

Pahayag naman ng Department of Tourism, maaari nang tumanggap ng bisita sa ano mang edad ang mga hotel na pinapayagan sa staycation. 

Samantala, ipinagbabawal ang mga taong may comorbidity, buntis, at ang mga itinuturing na “high risk.”

Kasama din sa requirements ang negative antigen test sa mismong araw ng check-in.

“Guests may staycation in accommodation establishment located in the same region of residence. Merong limitations in keeping with physical distancing. Bawal na bawal ‘yung magsisiksikan. Merong maximum number of people in a guest room depende sa size,” ayon kay Rica Bueno, Tourism Assistant Secretary. 

Samantala, maaari nang mag-operate ng 100% capacity ang mga hotel na pinayagang tumanggap ng staycation. 

Aabot sa 14 hotel ang pinapayagan sa Metro Manila, habang 6 naman ang pinapayagan na sa Batangas. 

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.