Pagkatapos ng halos 9 buwan na quarantine ng bansa dahil sa pandemiya ng COVID-19, pinapayagan nang pumasok ang mga menor de edad sa mga mall ngunit kinakailangan na may kasama itong magulang. Ito ay ayon kay Interior and Local Government Secretary Eduardo Año.
“Para na rin po sa kapaskuhan ay dun sa ipinag-utos natin na pwede ng gradual expansion ng age group para makalabas, ang mga minors, basta accompanied ng mga magulang ay papayagang makalabas at makapunta sa malls,” pahayag ni Año sa isang televised briefing na isinagawa nitong Lunes ng gabi.
“Ito ay pagtitibayin sa mga ordinansa ng ating mga mayors dun sa lugar ng GCQ,” dagdag nito.
Kasabay naman ng nasabing briefing na pinapangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte, ipinahayag din na ang NCR, Batangas, Iloilo City, Tacloban City, Iligan, Lanao del Sur at Davao City ay mananatili sa General Community Quarantine o GCQ simula Disyembre 1 hanggang 31 ngayong taon.
Ang ibang bahagi naman ng bansa ay sasailalim sa Modified General Community Quarantine o MGCQ.
Cavite COVID-19 Tracker
Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
Other Stories
23 Pasyenteng Nakatanggap ng COVID-19 Vaccine, Nasawi
Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement 23 katao ang namatay sa Norway ilang...
TRENDING: Maaari Nga Bang Kumita sa LYKA APP sa Pamamagitan ng Like at Follow?
Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement Ang Lyka app ay isang social media...
Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cavite, Muling Binabantayan
Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement Umabot na sa 194 COVID positive...
Nagkakahalagang 10M na Droga Nasabat, 3 Nigerian Nationals, Timbog sa Cavite!
Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement Timbog, ang tatlong Nigerian...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.