Inanunsiyo ng power distributor na Manila Electric Co. (Meralco) na ang mababang generation at transmission charges ay magbabawas sa presyo ng kuryente ngayong buwan ng Abril.

Dahil sa naturang bawas-singil, ang overall electricity rate ngayong buwan ay magiging P11.3168 kada kWh na lamang mula sa dating P11.4348 kada kWh noong Marso.

Ito ay katumbas ng P24 bawas-singil para sa mga tahanang kumukonsumo ng 200 kwh kada buwan;P35 naman sa mga kumukonsumo ng 300 kwh; P47 sa mga kumukonsumo ng 400 kwh at P59 sa mga tahanang nakagagamit ng 500 kwh kada buwan.

Ipinaliwanag ng Meralco na ang pagbaba ng singil sa kuryente ngayong buwan ay bunsod ng mas mababang generation at transmission charges.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Nabatid na ang generation charge, o ang halaga ng biniling kuryente mula sa suppliers na higit 50% ng total bill, ay bumaba sa P7.3295 kada kWh mula sa dating P7.3790 kada kWh.

Bagama’t kinolekta pa rin naman ng Meralco ang unang installment ng deferred generation costs na katumbas ng 20 sentimo kada kwh ngayong billing period, sinabi ng electric company na ito ay na-offset pa rin ng mas mababang halaga ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) at ng mga existing power supply agreements (PSAs).

Sinabi ng Meralco na ang spot market charges ay bumaba rin ng P1.0462 per kWh dahil na rin sa mas magandang suplay mula sa Luzon grid.

Kinuha umano ng Meralco ang 32% ng kanilang total power requirement mula sa WESM noong nakaraang buwan.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Philippine star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panukalang 150 na dagdag sahod, inaprubahan na sa Senado

Aprubado na sa Senado ang panukalang P150 across the board wage increase sa lahat ng manggagawa sa pribadong sektor sa buong bansa. Ayon kay Senate President Juan Miguel Zubiri na may akda ng Senate Bill No. 2022 o ang Across-the-board Wage Increase Act, ang nasabing...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.