Photo Courtesy: Inquirer.net

Simula ngayong Miyerkules, Agosto 19, 2020, hindi na kinakailangang gamitin ang motorcycle barrier kung ang driver at ang pasahero ay mula lamang sa iisang tahanan, ayon sa anunsyo ng Joint Task Force COVID Shield nitong Martes ng gabi.

Gayunpaman, nilinaw ni Police Lt. Gen. Guillermo Lorenzo Eleazar na commander ng JTF COVID Shield na ang paggamit ng barrier ay kinakailangan pa rin para sa mga rider at back-rider na hindi nakatira sa iisang bahay.

Kinakailangan lamang umanong magpakita ng patunay na nakatira sila sa iisang bahay. “All they have to do is to present proof that they indeed live in the same house to avoid being apprehended and cited for violation of the motorcycle back-riding,” ani Eleazar.

Matatandaan na nanindigan ang IATF sa kabila ng payo ng mga eksperto na ang paggamit ng barrier ay mahigpit na ipapatupad simula noong Agosto 1 para sa lahat ng mga motorista na mayroong angkas kahit pa mag-asawa o magkasama sa iisang bahay ang mga sakay nito.

Ito ay hindi sinang-ayunan ng mga pasahero dahil sapat na umano ang facemask at helmet bilang proteksyon. Naglabas din ang pahayag ang Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME) na hindi tama ang paggamit ng motorcycle barrier dahil magkakaroon umano ng turbulence ang nagmamaneho kapag mayroong barrier ang motorsiklo na maaaring maging sanhi ng aksidente. 

Kabilang din sa mga umapela dito si Senador Bong Revilla. Ayon dito,  ang DIY or Do-it-Yourself installation ng makeshift barriers ay “fundamentally unsafe” at sasalungat sa motorcycle’s engineering at balance, na pananaw mismo nito bilang isang motorcycle rider.

Sa kabila ng mga apela na natanggap ng IATF ay ipinatupad pa rin ang paggamit ng barrier. “Pag-aralan niyo muna bago kayo magcomment at hintayin natin na ma-infect ka ng COVID saka ka magcomment,” pahayag ni Año.

Ayon kay Eleazar, ang panibagong patakaran na ito sa motorcycle back-riding ay may bisa sa mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine kabilang ang Metro Manila, Rizal, Cavite, Laguna at Bulacan.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

Cavite, Mananatili sa ilalim ng MGCQ hanggang Nov. 30

Ayon sa DILG IV, mananatiling nasa ilalim ng MGCQ ang lalawigan ng Cavite simula Nobyembre 1 hanggang 31, 2020   Batangas Province will stay under General Community Quarantine (GCQ) for another month, President Duterte announces. The rest of the...

3 Pasyente ng COVID-19 sa Kawit, Nasawi

Inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkasawi ng 3 pasyente ng COVID-19 sa bayan ngayong Agosto 26, 2020. "Isang nakakalungkot na balita po ang ating natanggap mula sa Kawit Rural Health Unit (RHU). Tatlong Kawiteño po...

4 Kumpirmadong Kaso ng COVID-19 sa General Mariano Alvarez, Cavite

4 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite ngayong Miyerkules, Agosto 26, 2020. Ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bayan ay nanggaling sa mga sumusunod na barangay: Patient 320 - Brgy. San...

Kaso ng COVID-19 sa Tanza, Pumalo na sa 256

Ayon sa pinakahuling balita ni Tanza Mayor Yuri Pacumio sa kaniyang Facebook page, umabot na sa 256 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tanza, Cavite ngayong Martes, Agosto 25, 2020. Sa 256 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Tanza, 169 dito...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.