Ang mga mall hours ay extended na hanggang 9PM ngayong buwan ng Disyembre sa lalawigan ng Cavite. Ito ay ayon sa pinakahuling pahayag ni Cavite Governor Jonvic Remulla sa kaniyang Facebook page nitong Miyerkules, Disyembre 2, 2020.
“Ang mall hours po ay extended ngayong December hanggang 9PM with last customer in at 8:30PM.” ayon kay Remulla.
Kasabay nito, binanggit din ni Remulla na papayagan na ang mga menor de edad sa loob ng mga mall ngunit kinakailangang may kasamang magulang ang mga ito.
“Ang minors ay puede na rin sumama sa mall ngunit dapat kasama ang magulang. Mask and shield for kids apply.” ani Remulla.
Ang mga panuntunang ito ay ipinatutupad ngayong buwan ng Disyembre.
Samantala, nananatili naman ang buong lalawigan ng Cavite sa ilalim ng MGCQ o Modified General Community Quarantine simula Disyembre 1 hanggang 31 ngayong taon.
SHARE ON SOCIAL MEDIA
Cavite COVID-19 Tracker
Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
Other Stories
TAAL VOLCANO, ITINAAS SA ALERT LEVEL 2!
Itinaas sa Alert Level 2 (Moderate Unrest) ang Taal Volcano ngayong araw ng Martes, Marso 9, 2021. Ito ay matapos makapagtala ng 28 volcanic tremor episodes, 4 na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake sa distansyang hindi lalayo sa...
Dating Governor Ayong Maliksi, Pumanaw Na
Ayon sa Facebook post ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, pumanaw na ang dating Gobernador na si Ayong Maliksi. Sa Facebook post ni Aguinaldo, ipinarating nito ang pakikiramay sa biglaang pagpanaw ni Maliksi."Taos-puso po akong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at sa...
PULISYA NAKIUSAP SA MGA TURISTA, MATAPOS LINISIN MULI ANG TAMBAK NG BASURA SA KAYBIANG TUNNEL
Ayon sa facebook post ng Cavite Provincial Mobile Force Company (CPMFC), nakiusap ang mga ito na kung sakaling bibisita sa Kaybiang Tunnel ay manyari lamang na wag basta iwanan ang mga basura. “Kami po na mula sa Cavite Provincial Mobile Force Company(CPMFC) sa...
TATLONG DRUG SUSPEK SA CAVITE, PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULISYA
Tatlong drug suspek ang nasawi matapos di umano ay manlaban sa ginawang buy-bust operation ng Cavite Police. Ayong kay Col. Marlon Santos, hepe ng Cavite police ang mga napatay na suspek ay pinaghihinalaang tulak ng droga at kinilala na sina Warlito Sinsay, Rene...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.