Sugatan ang isang lalaki matapos saksakin ng kanyang kainuman matapos nitong magkainitan at magtalo sa kanilang paguusap sa Poblacion 2 Ternate, Cavite
Ayon sa saksi, pasado ala – siyete kagabi nang mangyari ang insidente ng pananaksak matapos magka – initan ang magkainuman na sina Abel Romero at Arcangel Diño.

Sinaksak ni Romero si Diño matapos silang magtalo at humantong na nga sa hindi inaasahang pangyayari. Kaagad namang nadala sa Cavite Municipal Hospital si Diño, habang nasa kustodiya na ng Ternate Municipal Police si Romero na nanganganib ngayong makasuhan.

Source: TERNATE ONE
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.