Dahil nakonsensiya, nagpatulong ang isang ina sa mga awtoridad sa Imus, Cavite para mabawi ang kaniyang anak na mahigit isang-taong-gulang na kaniyang “ipinaampon” sa halagang P2,500.

Sa ulat ni Emil Sumangil sa GMA News “24 Oras” nitong Martes, sinabing 21-anyos lang ang ina na problemado umano sa pera at iniwan ng asawa kaya napilitang ipaampon ang anak.

“Ang sinasabi niya po is nakonsensiya siya dun sa ginawa niya. Dahil lang po sa problema niya kaya napilitan po siya na gumawa ng ganitong hakbang,” sabi ni Imus police chief of investigation Police Lt. Reynald Afable.

Natukoy ang pagkakakilanlan ng suspek sa tulong ng social media na si Jane Mapa. Pero hindi raw nakipagtulungan sa mga awtoridad ang suspek para maisauli ang bata.

Kaya nagpanggap ang mga awtoridad sa social media bilang ina ng bata kaya lumantad ang suspek at doon na nasagip ang bata.

Nahaharap si Mapa sa reklamong paglabag sa Child Abuse Law at Anti-Trafficking in Persons Act.

Pero giit ni Mapa, malinis ang kaniyang konsensya at wala siyang balak na ibenta sa iba ang bata.

Nais lang daw niyang magkaroon ng makakasama sa buhay.

“Ang aking pinagsisihan dahil hindi po ako dumaan sa tamang proseso sa DSWD kasi po sa mga naririnig ko po, ito daw po ay napakatagal ng proseso. Baka po abutin pa ng 10 years,” paliwanag niya.

Isinasailalim naman sa pagsusuri ang mental health ng ina ng bata. Posible rin siyang makasuhan dahil sa kaniyang ginawa.

Source: GMA News
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Senior citizen patay, matapos mabangga ng motorsiklo

Binawian ng buhay ang isang 80-anyos na senior citizen matapos itong mabangga ng isang motorsiklo hahang papatawid. Ayon sa police report, bandang alas 11:30 ng umaga nang biglang tumawid ang biktima na isang 80-anyos na babae sa Barangay Rizal Ibaba ng nasabing...

COVID-19 booster shot sa edad 12 hanggang 17, sisimulan na

Sisimulan na ng Department of Health (DOH) ang pagbibigay ng COVID-19 booster shot sa mga batang may edad 12 hanggang 17 taong gulang. “RESBAKUNA UPDATE! Children aged 12 to 17 can now get their booster dose against COVID-19!” anunsyo ng DOH sa kanilang social media...

2 traffic enforcer na nangotong sa isang foreigner, Arestado

Arestado ang dalawang traffic enforcer matapos umanoy mangotong ng 4000 pesos sa isang Dutch National sa Bacoor, Cavite. Ayon sa ulat ng pulisya, hinuli ng mga akusadong traffic enforcer ang isang foreigner dahil sa hindi paghinto sa traffic light. Hiningan umano ng...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.