Naging patok online ang mga litrato ng isang baby na “inaalagaan” ng isang pusa mula sa Imus, Cavite. Sa mga larawan, kitang mahimbing ang tulog ni Baby Cael habang nakayakap dito ang pusang si Keanu.

Photos from: Joey Mansalungan

Kuwento ni Joey Mansalungan, katatapos lamang ng bagyong Rolly nang magpunta sila sa palengke upang mamili kung kaya’t iniwan muna nila ang 3 buwang gulang na si Baby Cael sa kapatid nito.

Nang makauwi sila mula sa palengke ay dali-daling ipinakita ng ate ng bata ang mga larawan kung saan tila binabantayan at inaalagaan ni Keanu si Baby Cael.

Marami ang naaliw at natuwa sa mga larawang ito. Umani ng napakaraming likes at shares ang mga litrato sa social media.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

TAAL VOLCANO, ITINAAS SA ALERT LEVEL 2!

Itinaas sa Alert Level 2 (Moderate Unrest) ang Taal Volcano ngayong araw ng Martes, Marso 9, 2021. Ito ay matapos makapagtala ng 28 volcanic tremor episodes, 4 na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake sa distansyang hindi lalayo sa...

Dating Governor Ayong Maliksi, Pumanaw Na

Ayon sa Facebook post ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, pumanaw na ang dating Gobernador na si Ayong Maliksi. Sa Facebook post ni Aguinaldo, ipinarating nito ang pakikiramay sa biglaang pagpanaw ni Maliksi."Taos-puso po akong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at sa...

TATLONG DRUG SUSPEK SA CAVITE, PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULISYA

Tatlong drug suspek ang nasawi matapos di umano ay manlaban sa ginawang buy-bust operation ng Cavite Police. Ayong kay Col. Marlon Santos, hepe ng Cavite police ang mga napatay na suspek ay pinaghihinalaang tulak ng droga at kinilala na sina Warlito Sinsay, Rene...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.