Isang pinoy ang laslas ang mukha at kinailangang tahiin ng 100 beses, matapos siyang atakihin ng isa pang pasahero sa subway, nitong Linggo, Pebrero 7, 2021.

Ayon sa biktima na si Noel Quinta, 61-anyos na naka-base sa New York, napansin niyang sinisipa ng isang lalaki ang kanyang bag, nang kumprotahin niya ito ay naglabas ang suspek ng box cutter at nilaslas ang kanyang mukha.

Walang nangahas na tumulong sa kaniya sa nasabing insidente.

Nakuhanan naman sa CCTV ang pag-alis ng suspek, ngunit wala pang samat na impormasyon sa pagkakakilanlan nito.

Ayon pa sa biktima pangalawang beses na ang ganitong pangyayari habang sakay ng subway, nitong nakaraang taon nang atakihin din siya pagbaba ng subway sa Manhattan.

Source: GMA News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

TAAL VOLCANO, ITINAAS SA ALERT LEVEL 2!

Itinaas sa Alert Level 2 (Moderate Unrest) ang Taal Volcano ngayong araw ng Martes, Marso 9, 2021. Ito ay matapos makapagtala ng 28 volcanic tremor episodes, 4 na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake sa distansyang hindi lalayo sa...

Dating Governor Ayong Maliksi, Pumanaw Na

Ayon sa Facebook post ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, pumanaw na ang dating Gobernador na si Ayong Maliksi. Sa Facebook post ni Aguinaldo, ipinarating nito ang pakikiramay sa biglaang pagpanaw ni Maliksi."Taos-puso po akong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at sa...

TATLONG DRUG SUSPEK SA CAVITE, PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULISYA

Tatlong drug suspek ang nasawi matapos di umano ay manlaban sa ginawang buy-bust operation ng Cavite Police. Ayong kay Col. Marlon Santos, hepe ng Cavite police ang mga napatay na suspek ay pinaghihinalaang tulak ng droga at kinilala na sina Warlito Sinsay, Rene...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.