Patay ang magkasintahan kabilang ang kanilang 2 taong gulang na anak matapos mabagsakan ng gumuhong gusali dulot ng bagyong Ulysses sa Dasmariñas, Cavite. Ang mga biktima ay kinilalang sina Romeo Cabanillas (27 taong gulang), Annabel Cabanillas (44 taong gulang) at Angelo Rome Cabanillas (2 taong gulang).

Ayon kay Dasmariñas City Representative Pidi Barzaga, may mga construction worker na nananatili sa likod na bahagi ng ginagawang gusali sa Barangay Langkaan 1 nang nangyari ang insidente.

Natagpuan ang bangkay ng tatlong biktima alas 5:02 ng hapon. Dinala naman ang mga ito sa Pagamutan ng Dasmariñas para sa pormal na pagdedeklara ng pagkamatay ng mga ito.

Samantala, 3 naman ang naitalang sugatan sa nasabing insidente. Ito ay sina Jomer Blesario, Dennis Maquiling at Rolly Dihal.

“The ground must not be very strong because of the rain or the structure itself,” pahayag ni Barzaga “We’d go back there tomorrow to find out,” dagdag nito.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

Mga Chismoso At Chismosa, Maaaring Masampahan ng Kaso

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Kasabay ng pagkalat ng COVID-19, ay...

Maaari Nang Bumili Ng Alak Kahit Anong Oras sa Lalawigan ng Cavite

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Photo Courtesy: RMN NetworksOpisyal...

Mall Hours sa Cavite, Hanggang 9PM na

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Ang mga mall hours ay extended na...

Nakaw na Cellphone, Naibenta ng Suspek sa Mismong May-Ari

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Photo Courtesy: Mobigyaan Isang 20...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.