Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Photo Courtesy: Tilt Report

Sa kabila ng nararanasang pandemiyang COVID-19, mas bumilis na umano ang internet speed sa Pilipinas. Ito ay ayon sa November 2020 report ng Ookla, global leader sa mobile at broadband network intelligence, testing applications at technology.

Nagkaroon ng 262.71% increase ang download speed sa bansa para sa fixed broadband. Sa kasalukuyan, mayroon nang 28.69Mbps average download speed sa bansa kumpara sa 7.91Mbps noong Hulyo 2016.

Samantala, nakapagtala naman ng download speed na 18.49Mbps sa kasalukuyan. Ito ay 148.52% na mas mataas kumpara sa 7.44Mbps noong Hulyo 2016.

Ang pagtaas ng download speed na ito ay naitala sa gitna ng COVID-19 pandemic-related lockdown na nag-udyok sa infrastructure roll-out at maintenance ng mga cell sites sa iba’t ibang lugar sa bansa simula noong March 2020.

Nagtatangka naman ang mga telco services na maabot ang 500% increase sa demand ng internet services dahil sa pagtaas din ng pangangailangan ng mas mabilis na internet sa bansa para sa trabaho, edukasyon, gayundin sa entertainment-related usage sanhi ng community quarantine guidelines.

Matatandaang iniutos ni Pangulong Rodrigo Duterte sa mga telco services company na pagbutihin ang kalidad ng kanilang  serbisyo hanggang sa katapusan ng taong 2020.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.