Ito’y sa ikalawang araw pa lamang ng isang linggong tigil-pasada na ikinasa ng ilang transport group, na nagsimula nitong Lunes, Marso 6, at magtatagal sana hanggang sa Marso 12.
Ilan sa mga drivers ay nagsabing napilitan silang bumiyahe na muli kahit suportado nila ang transport strike dahil kailangan nilang kumita upang may maipakain sa kani-kanilang pamilya.
Kabilang dito si Christopher Bernal, na bumalik na sa pagbiyahe sa Monumento, Caloocan City matapos na hindi pumasada nitong Lunes ng maghapon.
Aminado siyang mahirap sa kalooban ang ginawa na hindi ituloy ang tigil-pasada ngunit hindi umano niya maaring pabayaan na magutom ang kanyang pamilya.
Samantala, ilan naman sa mga tsuper na pumasada ay hinarang ng kanilang mga kasamahan at hinimok na sumama sa kanilang ipinakikipaglaban.
Ilang tsuper naman na hindi sumama sa ikalawang araw ng tigil-pasada ang problemado, lalo na yaong may biyahe sa Katipunan Avenue dahil wala anilang gaanong pasahero.
Ang mga estudyante kasi anila ay nagbalik online classes muna habang may ilang opisina rin na nagpa-work-from-home ng mga empleyado bunsod ng tigil-pasada.
“Kahit hindi kami sumama sa welga, nakatigil kami. Wala nang pasahero,” hinaing ng tsuper na si Reynaldo Gonzales.
Sa kabila nito, desidido naman ang ilang transport group na tapusin ang isang linggong tigil-pasada.
Handa pa rin umano ang mga transport group na makipag-usap sa Department of Transportation (DOTr) at Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) upang ipaabot ang kanilang hinaing.
SHARE ON SOCIAL MEDIA
Cavite COVID-19 Tracker
Other Stories
Bawas-presyo sa petrolyo, ipatutupad simula ngayong Martes
Magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng malaking bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Marso 22. Magkakasunod na inanunsyo ng mga kompanya ng langis sa bansa ang pare-parehong halaga ng itatapyas nila sa kanilang mga produkto at...
P1 Milyon cash gift, ipagkakaloob sa Pinoy na aabot sa 101 taong gulang
Isinumite na ng Special Committee on Senior Citizens sa Kongreso ang panukalang pagkalooban ng P1 milyong cash gift ang mga Pilipino na aabot sa 101 taong gulang. Sa ilalim ng House Bill (HB) 7535, tatanggap ng P1 milyong cash gift at liham ng pagbati mula sa Pangulo...
Dagdag P150 sa kada araw na sahod sa lahat ng manggagawa, isinusulong ni Cong. Jolo Revilla
Isinusulong ni Conressman Jolo Revilla ang isang panukalang batas na magdadagdag ng halagang P150 na sahod sa lahat ng mga manggawa sa pribadong sektor sa buong bansa. Tinalakay ng House of Representatives Committee on Labor and Employment Sub-Committee on Labor...
Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inumpisahan na
Magpapatupad na ng dagdag-bawas sa mga presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula nitong martes, ika-14 ng Marso 2023. Sa anunsiyo ng kumpanyang Shell, may dagdag na ₱1 ang kada litro ng gasolina. May bawas naman sa kada litro ng diesel...
