Magbibigay ang Hong Kong ng libreng Coronavirus test sa lahat ng 7.5 milyong residente sa susunod na buwan. Samantala, hindi pa malinaw kung ilan ang makikilahok sa scheme na pinamamahalaan ng mga kumpanya na nakabase sa mainland China, ayon sa ulat ng GMA News.

Umabot na sa ika-3 wave ng Coronavirus ang Hong Kong na pinaniniwalaang dahil sa ilang mga business traveler gayundin ang mga exemption mula sa quarantine rules sa mga air at ship crew.

Pahayag ni Carrie Lam na namumuno sa finance hub, magsisimula sa Setyembre 1 ang voluntary mass testing sa loob ng 2 linggo.

“There is still quite a number of silent transmitters in the community,” ani Lam.

“So the more that we could test… the earlier we could find the remaining outstanding cases,” dagdag nito.

Pinahayag naman ni Health Minister Sophia Chan sa isang radio show na inaasahan nitong makilahok sa nasabing mass testing ang 5 milyong residente.

Samantala, isinaad naman ni Lam na wala namang itinalagang target ang gobyerno para sa nasabing scheme na isinasagawa ng Hongkong subsidiaries ng tatlong mainland firms kabilang ang Chinese genomics firm BGI Group.

Simula Hulyo, mahigit 3,300 panibagong kaso na ng COVID-19 ang naitala sa Hongkong – mahigit 70% sa kabuuang bilang ng mga naitala simula nang unang tamaan ang lungsod noong Enero.

Umakyat na sa 75 ang mga nasawi sa COVID-19 sa Hongkong na nagsimula 7 nang magsimula ang buwan ng Hulyo.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

Cavite, Mananatili sa ilalim ng MGCQ hanggang Nov. 30

Ayon sa DILG IV, mananatiling nasa ilalim ng MGCQ ang lalawigan ng Cavite simula Nobyembre 1 hanggang 31, 2020   Batangas Province will stay under General Community Quarantine (GCQ) for another month, President Duterte announces. The rest of the...

3 Pasyente ng COVID-19 sa Kawit, Nasawi

Inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkasawi ng 3 pasyente ng COVID-19 sa bayan ngayong Agosto 26, 2020. "Isang nakakalungkot na balita po ang ating natanggap mula sa Kawit Rural Health Unit (RHU). Tatlong Kawiteño po...

4 Kumpirmadong Kaso ng COVID-19 sa General Mariano Alvarez, Cavite

4 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite ngayong Miyerkules, Agosto 26, 2020. Ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bayan ay nanggaling sa mga sumusunod na barangay: Patient 320 - Brgy. San...

Kaso ng COVID-19 sa Tanza, Pumalo na sa 256

Ayon sa pinakahuling balita ni Tanza Mayor Yuri Pacumio sa kaniyang Facebook page, umabot na sa 256 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tanza, Cavite ngayong Martes, Agosto 25, 2020. Sa 256 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Tanza, 169 dito...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.