fbpx

Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Mga magkakaanak o magkakapitbahay sa isang lugar ang madalas na magkahawan sa coronavirus disease (COVID-19) sa Cavite, ayon sa ilang doktor at opisyal.
Isang halimbawa ay sa Southern Tagalog Regional Hospital sa Bacoor City kung saan ilang miyembro ng pamilya o close contact ng COVID-19 patients ang naka-admit.
“Kapag tinanong mo ‘yong contact tracing nila, mabilis talaga ang paghawa. Kumbaga sa pamilya, madalas may kasama sa pamilya, may dagdag na kapamilya [ang] nahahawa,” pahayag ni Dr. Ana Maria Elena Gabuten, chief of clinics ng naturang ospital.
Dagdag pa rito, nasa 90 porsyento na ang kapasidad ng kanilang pasilidad na okupado sa ngayon.
Sa bayan ng Indang ay makikita rin ang parehong pagkakahawaan kung saan nasa 10 barangay na ang naitala bilang COVID-19 hotspot.
‘Yong pattern ng transmission, pami-pamilya tapos halos talagang minsan compound. Doon lang talaga sa isang area naka-focus,” sabi ni Vernie Caisip, consultant sa Indang Mayor’s Office.
Umakyat na sa higit 20 ang bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa Indang kada araw sa nakalipas na linggo habang nasa 237 na ang aktibong kaso base sa naging tala ng bayan hanggang noong Lunes.
Samantala, binuksan naman nila ang Indang Temporary Treatment and Monitoring Facility sa loob ng Cavite State University (CvSu) Main Campus upang matugunan ang pangangailangan sa pasilidad.
Source: GO Cavite Facebook Page
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Higit P3-M halaga ng shabu nasabat sa Bacoor, Cavite

Tiklo ang 1 negosyante at 2 kasabwat matapos mahulihan umano ng P3.4 milyong halaga ng ilegal na droga sa lungsod Bacoor, Cavite nitong Huwebes ng hapon. Ayon sa PDEA, nahuli ang mga suspek sa isang buy-bust operation sa labas ng isang tindahan sa Barangay Panapaan...

U.S. surgeons successfully test pig kidney transplant in human patient

For the first time, a pig kidney has been transplanted into a human without triggering immediate rejection by the recipient's immune system, a potentially major advance that could eventually help alleviate a dire shortage of human organs for transplant.The procedure...

100 taong gulang na lola, ibinahagi ang sikreto sa mahabang buhay

Isang lola mula sa Santa Elena, Camarines Norte ang nagdiwang ng kaniyang ika-100 kaarawan noong nakaraang linggo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes. Ipinanganak si Eugenia Maravilla noong October 10, 1921. Bagamat 18 taon nang hindi nakakakita dahil sa...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.