Nanawagan si Cavite Governor Jonvic Remulla sa Department of Health (DOH) na siguraduhing protektado ang proseso ng pagsusuri at pag-apruba ng COVID-19 vaccine na manggagaling mula sa bansang Russia.

Ang dahilan umano ni Remulla ay dahil nababahala umano siya sa balita tungkol sa pagbibigay ng bakuna ng Russia para sa Pilipinas. “Ako po ay nababahala sa mainit na balita na ang Russia ay maglalabas na ng vaccine para sa COVID-19. ” aniya.

“I have nothing against the Russians nor am I connected to any preferred country or vaccine manufacturer. I do NOT stand to gain on this but forgive me if my primary interest is to safeguard the health and safety of my constituents in Cavite.” dagdag na paliwanag nito.

“As far as I know, the Russian data is UNAVAILABLE; their methodology is NOT open; and its efficacy has not been subject to a review and analysis.” aniya.

Kaya naman, nakiusap ito sa DOH na siguruhin na masusing mababantayan at masusuri ang proseso ng pag-aaral, pag-apruba at pagsasagamit ng naturang bakuna.  “I am asking the Department of Health (Philippines) to PLEASE safeguard the process of review, approval, and appropriation of the COVID-19 vaccine.” pahayag ni Remulla.

Ayon kay Remulla, hindi man naging maayos ang stratehiya ng pag-contain ng virus sa bansa ay maging maayos sana ang pamamaraan ng gobyerno sa pagsusuri at pamamahagi ng bakuna sa publiko. “If we did not get the containment strategy right then let us ensure that the curative portion is done correctly. Please exercise CAUTION and have the people’s interest at heart. There is no bigger decision than choosing a clinically tested and effective vaccine, at the correct time, at the fair price.” ani Remulla.

“110 MILLION lives are at stake. The Filipino people are counting on you.” dagdag nito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 143,749 kabuuang kaso ng COVID-19 sa bansa kung saan 68,997 ang gumaling na at 2,404 naman ang mga nasawi.

 

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Lalawigan ng Cavite, Balik ECQ Simula Marso 29, 2021!

Ayon kay Governor Jonvic Remulla, balik ECQ ang buong lalawigan ng Cavite simula Marso 28 hanggang Abril 4, 2021. "Just talked to SPOX Harry Roque. Cavite along with other areas will be under ECQ from Sunday, March 28-April 4, 2021." ani Remulla. "I will report...

5-Anyos na Bata Mula Cavite, Pinagsasaksak ng Bisita!

Dalawang saksak sa katawan ang inabot ng isang 5-anyos na bata na nakatira sa lalawigan ng Cavite. Natamo umano ng biktima ang saksak mula sa kanilang bisita na pinagtangkaang halayin ang ina ng bata.Ayon sa balita ng GMA Public Affairs, pinatuloy lamang daw ang...

Inuman at KTV, BAWAL sa Cavite Ngayong GCQ!

Ngayong sasailalim muli ang lalawigan ng Cavite sa General Community Quarantine o GCQ, inanunsyo ni Governor Jonvic Remulla ang pagbabawal ng mga party o inuman ng magbabarkada. Ito ay ayon sa kaniyang Facebook post ngayong linggo ng gabi, Marso 21, 2021."Bawal ang...

Cavite, Isasailalim Muli sa General Community Quarantine!

Ang buong lalawigan ng Cavite ay sasailalim sa GCQ o General Community Quarantine simula Marso 22 hanggang Abril 4, 2021. Ito ay ayon sa Resolution No. 104 na inilabas ng Inter-Agency Task Force nitong Marso 20, 2021.Samantala, wala pang inilalabas na quarantine...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.