Ipinagtanggol ni Cavite Governor Jonvic Remulla si Senador Panfilo Lacson sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo na kulang sa on-the-ground work ang kapwa presidential aspirant.

Sa isang Facebook post ng gobernador, na may titulong “Kakamping,” sinabi niyang bilang kamag-anak, kalalawigan at kapwa Imuseño / Caviteño ay nararapat niyang ipagtanggol si Lacson

“Hindi ko na sana balak makipag-balitaktakan pa pagdating sa #Halalan2022. Ngunit bilang kamag-anak, kalalawigan at kapwa Imuseño / Caviteño ay nararapat lamang na tumayo ako at ipagtanggol si Senador Ping Lacson,” ani Remulla nitong Lunes, Enero 31, 2022.

Ayon kay Remulla, Si Lacson ang kandidato na mayroong pinakamalawak na karanasan pagdating sa public service.

Binilang din ng gobernador ang mga naging posisyon ni Lacson simula noong makapagtapos ito sa Philippine Military Academy noong 1971.

“Nagtapos sa Philippine Military Academy (1967-1971). Nanungkulan sa Metrocom (1971 to 1986 86), PC-INP Anti-Carnapping Task Force (1986 to 1988), Isabela Provincial Commander (1988 to 1989), Cebu Commander (1989 to 1992), Laguna PC Provincial Director (1992), Task Force Habagat Chief (1992 to 1995), Presidential Anti-Organized Crime Task Force Chief (1998 to 2001), Philippine National Police Chief (1999 to 2001), Presidential Assistant on Rehabilitation and Recovery (2013 to 2015) and Senator (2001 to 2003 and 2016 to present),” paglalahad ni Remulla.

Giit ni Remulla, walang katarungang ilarawan na ‘maraming salita at kulang sa gawa’ ang tao na 50 taon sa public service.

“To describe him as ‘all talk and no action’ is an injustice to the man who embodies ‘leadership by example’ with 50 years of public service from law enforcement, legislation and humanitarian work,” anang gobernador.

“Sana maalala ni VP Leni ang aking payo sa kanya: That no matter what happens, please do not give in to the hate,” pagpapatuloy pa ni Remulla.

Nagbigay rin ito ng mistulang payo sa mga tagasuporta ni Robredo.

“The same goes to her supporters. The best way to champion your candidate or political stand is not through hate. You can never convince other people to join your cause if all you do is look down, insult, ridicule, and alienate those who do not share the same views as you.”“Sana maalala ni VP Leni ang aking payo sa kanya: That no matter what happens, please do not give in to the hate,” pagpapatuloy pa ni Remulla.

Nagbigay rin ito ng mistulang payo sa mga tagasuporta ni Robredo.

“The same goes to her supporters. The best way to champion your candidate or political stand is not through hate. You can never convince other people to join your cause if all you do is look down, insult, ridicule, and alienate those who do not share the same views as you.”

Matatandaang noong Nobyembre, malugod niyang tinanggap sina Vice President Leni Robredo at ang ka-tandem nitong si Senador Kiko Pangilinan sa Cavite Provincial Capitol sa Trece Martires nang bumisita ang tandem sa iba’t ibang local government units at dumalo sa paglulunsad ng Leni Lugaw trucks sa Kawit.

Sinabi ni Remulla, “Although we disagree on certain issues, we both agree that the people deserve a leader the Filipinos can be proud of.”

Gayunman, pinayuhan niya noon si Robredo na: “No matter what happens, please do not give in to the hate.”

Samantala nitong Enero, sinabi ni Remulla na mananalo sa Cavite si Presidential aspirant at dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at naniniwala siyang “destiny” ni Marcos Jr. na maging presidente sa 2022.

Source: Balita Net PH
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Top 1 most wanted ng camarines, arestado sa Silang, Cavite

Isang Top 1 Most Wanted Person (WMP) ng Camarines ang naaresto nga mga kapulisan sa isinagawang operasyon nitong biyernes ng madaling araw sa Silang, Cavite. Kinilala itong si suspek na binata, factory worker, tubong Camarines Sur at residente ng Barangay Biga 2...

67-year old na lola, humingi ng tulong para sa kanyang sari-sari store

Humihingi ng tulong ang isang 67-anyos na lola mula sa Ternate, Cavite para ayusin ang kanyang maliit na sari-sari store at makakuha ng tulong medikal para sa kanyang pamilya. Ayon sa ulat ng "24 Oras" nitong Biyernes, ang tindahan ni Editha Festejo ay naging linya ng...

4 katao, sugatan matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse

Sugatan at isinugod sa Hospital ang apat na katao kabilang ang dalawang menor de-edad matapos mabangga ng lasing na driver ng kotse ang kanilang sinasakyan sa Imus, Cavite. Isinugod sa South Imus Specialist Hospital ang mga biktima na sakay ng Toyota Avanza at...

Silang, Cavite robbery heists, 12 katao iginapos

Labindalawang katao kabilang ang isang doktor at pasyente ng isang klinika ang iginapos at nakulong ng ilang oras matapos looban ng tatlong armadong lalaki ang dalawang establisimyento at nilimas ang kanilang mga pera at ma­hahala­gang kagamitan sa Silang, Cavite...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.