Naglabas ng saloobin si Cavite Governor Jonvic Remulla patungkol sa isyu ng PhilHealth sa kaniyang Facebook page nitong Huwebes, Agosto 20, 2020.

Ayon dito, ang PhilHealth ang isa sa mga inaasahan ng mga Pilipino lalo na ngayong panahon ng pandemiya kung saan nasa 46% o aabot sa 27.3 milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho. “Now that the country’s economy fell into recession for the first time in 29 years with more than 46% or 27.3 million jobless, PhilHealth is one of the few pillars that the Filipinos are counting on to fund the battle against COVID-19.”, ani Remulla.

“Ngayon, halos BANKRUPT na ang PhilHealth. Ang mapait? Natuklasan nating lahat ang mga discrepancy sa pamamahala nito kung kailan wala pa din lunas para labanan ang pandemya na nagpapahirap sa ating bayan.” dagdag nito.

“Don’t you think these corrupt PhilHealth officials deserve a fate far worse than the targets of the War on Drugs? They deserve to be investigated, charged, prosecuted, and locked up in jail for good.” ayon kay Remulla.

Panawagan nito, kailangan nang maparusahan ang mga sangkot sa katiwalian gayundin ang mga kaalyado ng mga ito. “Panahon na para sampahan ng kaso ang mga nararapat makasuhan at mabigyan sila nang kanilang araw sa korte. At kung mapapatunayan ang mga paratang na ito, hindi lamang ang mga tao sa gobyerno ang dapat maparusahan.” aniya.

“Kailangang isama pati na din ang mapapatunayang mga kaalyado o kakunchaba nila sa malawakang pagnanakaw na ito sa taong bayan, maging ang mga pribadong ospital at mga corrupt na doktor (pasintabi po sa ating mga mabutihing frontliners na hindi naman sangkot at walang kinalalaman sa iskandalo na ito).” dagdag nito.

Ayon din dito, kailangang ibigay ng kongreso ang lahat ng makakaya sa pag-iimbestiga nito higit pa sa kaso ng ABS-CBN. “Congress should go full blast in their investigation with even greater effort than they gave ABS CBN.” pahayag niya.

“While the ABS mandate was to give us information and entertainment as well as exercising their franchise responsibly, they were at fault in their own way. In comparison, the mandate of PhilHealth is to provide a healthcare insurance system covering the needs of 110 million Filipinos.” ayon din sa kaniya.

Saad pa ni Remulla, nais din niyang malaman kung anong susunod na hakbang ang pinaplano para sa nasabing isyu tungkol sa PhilHealth.  “Like all of you, I want to know: What now? What happens next?” tanong nito.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

Cavite, Mananatili sa ilalim ng MGCQ hanggang Nov. 30

Ayon sa DILG IV, mananatiling nasa ilalim ng MGCQ ang lalawigan ng Cavite simula Nobyembre 1 hanggang 31, 2020   Batangas Province will stay under General Community Quarantine (GCQ) for another month, President Duterte announces. The rest of the...

3 Pasyente ng COVID-19 sa Kawit, Nasawi

Inanunsyo ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo sa kaniyang Facebook page ang pagkasawi ng 3 pasyente ng COVID-19 sa bayan ngayong Agosto 26, 2020. "Isang nakakalungkot na balita po ang ating natanggap mula sa Kawit Rural Health Unit (RHU). Tatlong Kawiteño po...

4 Kumpirmadong Kaso ng COVID-19 sa General Mariano Alvarez, Cavite

4 bagong kaso ng COVID-19 ang naitala sa bayan ng General Mariano Alvarez sa Cavite ngayong Miyerkules, Agosto 26, 2020. Ang mga pasyenteng nagpositibo sa COVID-19 sa nasabing bayan ay nanggaling sa mga sumusunod na barangay: Patient 320 - Brgy. San...

Kaso ng COVID-19 sa Tanza, Pumalo na sa 256

Ayon sa pinakahuling balita ni Tanza Mayor Yuri Pacumio sa kaniyang Facebook page, umabot na sa 256 ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Tanza, Cavite ngayong Martes, Agosto 25, 2020. Sa 256 kabuuang kaso ng COVID-19 sa Tanza, 169 dito...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.