fbpx

Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

Patuloy na nahihirapan ang mga ospital sa Cavite para tugonan ang bugso ng mga dumarating na taong may COVID-19.

Sa Southern Tagalog Regional Hospital (STRH) sa Bacoor, hindi na halos makapagpahinga ang mga tauhan sa command center sa pagsagot sa mga tawag at mensahe kaugnay ng COVID-19.

Mapapansin na wala na masyadong pribadong sasakyan o ambulansya na nakapila sa labas ng ospital dahil pinauuwi na ang mga nasa waiting list habang naghihintay ng bakanteng kama.

“Sobrang hirap po kasi ngayon lalo na kapag may tumatawag po sa amin na for admission ang patient. As of now po kasi, ang update po namin kahapon, 37 na po ‘yung naka-reserve po sa amin na for admission. Ang ginagawa na lang po namin, binibigyan na lang namin ng choices of hospital po,” ani Carlos Evangelista ng STRH Command Center. 

Ayon kay Eden Enriqueta Purugganan, ang public information office ng STRH, mula 157 ay umaabot na sa 270 ang mga medical grade oxygen na ginagamit sa pagamutan kada araw dahil marami ang nahihirapang huminga. 

Umabot na rin sa 18 ang mga medical worker na nagkasakit, mula sa dating 10.

“Nararamdaman pa namin lalo (ang bigat ng trabaho) kasi may mga kasapahan pa tayo unfortunately na nahawaan din po ng COVID. Nagdoble siya,” ani Purugannan.

Ang Binakayan Hospital and Medical Center, puno na rin ng mga pasyente pero sinisikap umano nilang tumanggap pa ng mga nangangailangan ng atensyong medikal.

Parehas din ang sitwasyon sa mga pagamutan sa Tagaytay City na pilit pinapahaba ang pisi para tumugon sa mga nagkakasakit. 

“Nagugulat kami kasi parang katulad na rin kami sa NCR, dumadami na rin ang kaso ng COVID dito sa Tagaytay. Ang bilis tumataas at nakita namin ang pagtaas na ito ang pinaka dahilan ay ang hawaan sa kanilang mga household,” ani Dr. Liza Capupus, city health office ng Tagaytay.

Isinara naman ng Ospital ng Imus ang outpatient department para tiyakin ang kaligtasan ng mga doktor at non-COVID patient ngayong umaapaw ang COVID cases sa pagamutan. 

Ayon kay Dr. Jennifer Roamar, ang chief of clinics ng Ospital ng Imus, kinailangang ihinto ang ibang serbisyo ng pagamutan dahil sa kakulangan ng tauhan.

Nasa 24 aniya ang nagpositibo kamakailangan sa virus at may 10 iba pang naka-quarantine.

Source: ABS CBN News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Higit P3-M halaga ng shabu nasabat sa Bacoor, Cavite

Tiklo ang 1 negosyante at 2 kasabwat matapos mahulihan umano ng P3.4 milyong halaga ng ilegal na droga sa lungsod Bacoor, Cavite nitong Huwebes ng hapon. Ayon sa PDEA, nahuli ang mga suspek sa isang buy-bust operation sa labas ng isang tindahan sa Barangay Panapaan...

U.S. surgeons successfully test pig kidney transplant in human patient

For the first time, a pig kidney has been transplanted into a human without triggering immediate rejection by the recipient's immune system, a potentially major advance that could eventually help alleviate a dire shortage of human organs for transplant.The procedure...

100 taong gulang na lola, ibinahagi ang sikreto sa mahabang buhay

Isang lola mula sa Santa Elena, Camarines Norte ang nagdiwang ng kaniyang ika-100 kaarawan noong nakaraang linggo, ayon sa ulat ng Unang Balita nitong Huwebes. Ipinanganak si Eugenia Maravilla noong October 10, 1921. Bagamat 18 taon nang hindi nakakakita dahil sa...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.