Naglabas ng anunsyo ang Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Authority (PAGASA) kamakailan kaugnay sa pagtaas ng ‘El Niño Alert’ warning status sa buong bansa.

Kasunod ito ng pagtaas sa 80 porsyentong tsynsa na maranasan ang ‘El Niño’ sa bansa sa susunod na 3 tatlong buwan.

“With this development, the PAGASA El Niño Southern Oscillation (ENSO) Alert and Warning System is now raised to EL NIÑO ALERT. When conditions are favorable for the development of El Niño within the next two months at a probability of 70% or more, an El Niño ALERT is issued,” ayon sa PAGASA.

Matatandaang noon lamang Marso sa kasalukuyang taon, unang isinailalim sa ‘El Niño Watch’ status ang buong Pilipinas.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Ang El Niño ay isang weather phenomenon na nagpapamalas ng klimatikong kondisyon ng matinding init ng temperatura. Sa ganitong panahon, maliit ang tyansa na magkaroon ng mga pag-ulan.

Samantala, hinikayat naman ng PAGASA ang lahat ng government agencies at maging ang publiko na patuloy na subaybayan at gumawa ng kaukulang hakbang upang maibsan ang matinding epekto ng El Niño sa kalusugan at kabuhayan ng taumbayan.

Ilan sa mga ito ay ang pagtitipid at pagiging wais sa paggamit ng tubig, pagsusuot ng maaliwalas na damit, at palagiang pag-inom ng tubig upang maiwasan ang dehydration.

style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
Source: Philippine star
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="4238516031" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.
style="display:block" data-ad-client="ca-pub-6904574557059534" data-ad-slot="5586055017" data-ad-format="auto" data-full-width-responsive="true">

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.