Kamakailan ay nagkaroon ng shootout sa Cavite City kung saan namatay ang isang pulis na si CMSgt. Julius Ascaral maging ang suspek na si Methusael Cebrian na nagpakilala na isang Navy. Ang kasama naman nitong suspek na si Reymund de Leon ay dali-daling tumakas sa gitna ng insidente.

Ngunit ayon kay de Leon na ngayon ay hawak na ng Cavite Police, natakot lamang ito na madamay sa pamamaril kung kaya’t agad itong tumakas dala ang sasakyan.

Dagdag din nito, inutusan lamang siya ni Cebrian na isara ang bintana at bigla na lamang kumuha ng armas at nagsuot ng bonnet. Narinig na lamang umano ni de Leon ang sunud-sunod na pagputok ng baril matapos bumaba ng amo nito sa sasakyan.

Ayon din sa ilang mga nakasaksi sa insidente, nakiusap umano ang mga pulis sa suspek ngunit itinuloy pa rin nito ang pamamaril.

Kinumpirma naman ni Estrada na may kasong defamation si Cebrian matapos murahin ang isang guro sa Cavite City.

Bukod pa rito, may isa ring kinasangkutang panunutok ng baril si Cebrian sa Mandaluyong noong 2016.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Hindi Pa Nakaka-Rehistro sa National ID? Basahin Ito:

Narito ang mga hakbang sa unang step ng pagreregister ng National ID.1.Pls. Log on To Register For Your Appointment Procedure: https://register.philsys.gov.ph 2. I-fill out ang lahat ng mga impormasyong hinihingi. Ang lahat ng impormasyon ay mandatory lalo na ang...

2 Patay, 3 Naman ang Sugatan sa Banggaan na Naganap sa Naic, Cavite

Dalawa ang inulat na nasawi matapos maganap ang banggaan ng tatlong motorsiklo sa Naic, Cavite nitong Huwebes, Mayo 06, 2021.Ayon sa balita ng GTV "Balitanghali" nitong Huwebes, kinilala ang nasawing mga rider ng dalawang motorsiklo na sina Michael Pascua at Eddie...

2 Taon Gulang na Bata, Patay Matapos Mabulunan ng Jelly Candy

Naganap ang insidente nitong Miyerkules, Mayo 04, 2021 sa Mati City, Davao Oriental. Narito ang ilang pahayag mula sa ABS-CBN News."Nagdadalamhati ang pamilya Cercado sa Mati City, Davao Oriental dahil sa pagpanaw ng 2 taong gulang nilang miyembro na si Ash. Noong...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.