Junior High School (JHS) students inside the classroom (RIO DELUVIO / FILE PHOTO / MANILA BULLETIN)

DELTA

Makikita po sa infographic ang summary ng mga COVID-19 cases sa Cavite nitong nakaraang 5 araw.
Ayon sa ating mga dalubhasa sa DLSU-HIS: Mas mataas ngayon ang viral load na dala ng mga bagong pasyente kumpara sa mga nakaraang kaso.
Kung kayo ay fully vaccinated na, wala na sana dapat ipangamba. Ang bakuna ay sapat para bigyan ng protekson ang katawan (antibodies) na siyang lalaban sa panganib na dala ng high viral load.
Ngunit utik-utik pa rin ang bilang ng mga bakunado sa Cavite. Makupad ang vaccine supply mula sa DOH. Ang lalawigan ay naglagay rin ng sariling order sa NOVAVAX na inaasahang parating nitong end-August to mid-September.
Hindi natin alam o masabi kung ang new high load strain na ito ay dala ng tinatawag na Delta variant. Wala pong kapasidad ang Cavite para ma-identify ito. Kaya’t dapat ay lalo po tayong mag-ingat at malayo pa ang kalbaryo nating lahat. Kapag mataas ang viral load ay mas malubha ang epekto ng COVID-19. Mas madaling makahawa at mabilis ring kumalat.
Huwag po nating hayaan na lumala ang sitwasyon.

VIDEOKE

Maglalabas po ng bagong ordinansa ang Sangguniang Panlalawigan tungkol sa isyu ng videoke ban. May leeway ng kaunti ngunit hindi pa rin maaari ang UNLI-BIRIT.
Maawa naman kayo sa mga kapitbahay ninyo. Marami sa mga work from home at kabataang nag-aaral ang naiistorbo sa ingay ninyo. Habang ang mga seniors ay kailangan ng sapat na pahinga. Kaunting respeto naman po.
SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Bawas-presyo sa petrolyo, ipatutupad simula ngayong Martes

Magpapatupad ang ilang kumpanya ng langis ng malaking bawas presyo sa kanilang mga produktong petrolyo simula ngayong Martes, Marso 22. Magkakasunod na inanunsyo ng mga kompanya ng langis sa bansa ang pare-parehong halaga ng itatapyas nila sa kanilang mga produkto at...

P1 Milyon cash gift, ipagkakaloob sa Pinoy na aabot sa 101 taong gulang

Isinumite na ng Special Committee on Senior Citizens sa Kongreso ang panukalang pagkalooban ng P1 milyong cash gift ang mga Pilipino na aabot sa 101 taong gulang. Sa ilalim ng House Bill (HB) 7535, tatanggap ng P1 milyong cash gift at liham ng pagbati mula sa Pangulo...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, inumpisahan na

Magpapatupad na ng dagdag-bawas sa mga presyo ng kanilang produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis simula nitong martes, ika-14 ng Marso 2023. Sa anunsiyo ng kumpanyang Shell, may dagdag na ₱1 ang kada litro ng gasolina. May bawas naman sa kada litro ng diesel...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.