Patay ang isang delivery rider habang sugatan ang kanyang kinakasama sa pamamaril sa Imus City, Cavite Miyerkoles ng gabi.

Personal ang isa sa tinitingnang motibo ng pulisya sa pamamaril sa mag-live-in partner na kinilalang sina David Garcia, 50 anyos, at Lolita Aquino, 42 anyos.

Ayon kay Imus City chief of police Lt. Col. Gerald Dee, lalarga sana sa paghatid ng delivery si Garcia nang pagbabarilin bandang alas-7:45 ng gabi.

Magkasama sila ng ka-live-in sa labas ng bahay nila sa isang subdivision sa Barangay Malagasang 2B.

Tinamaan si Garcia sa ulo na agad niyang ikinamatay. 

Inooperahan naman sa ospital si Aquino para sa sugat sa dibdib.

Ayon sa pulis, naka-itim na jacket at sombrero ang namaril.

Nakitang naglakad ang salarin mula sa motorsiklo na pumarada ilang bahay mula sa tinitirhan ng mga biktima.

May ibang taong nagmamaneho ng motor at inangkasan ng gunman patakas.

Sabi ni Dee, walang ugnayan sa droga o krimen ang biktima kaya posibleng personal ang dahilan sa pamamaril.

Nakatanggap kasi ng banta sa buhay ang biktima noong nakaraang linggo, pero hindi muna inilabas ng pulis kung saan nanggaling ito.

Inaalam din kung sinadya rin ang pagbaril sa kinakasamang si Aquino. 

 

May kinalala na ang pulisya na person of interest sa kaso at nagsasagawa ng follow-up operation dito.

Source: ABS CBN News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.