Nagpahayag ng pagkabahala tungkol sa teenage pregnancy ang Commission on Population and Development, nitong Martes, Pebrero 9, 2021. Ito ay kasunod ng ulat ng Philippine Statistics Authority tungkol sa dalawang 10-taong-gulang na ngayon ay nanay na.

Batay sa PSA, ang dalawang bata ay mula sa CALABARAZON at NCR. Sa ngayon, wala pang ibang detalye ukol dito.

Ayon sa direktor ng Popcom National Capital Region na si Lydio Espanol Jr., nakababahala ang mga kaso ng pagbubuntis na sangkot ang mga kabataan, maaari itong pagmulan ng “extra health risks” para sa ina at sanggol, “including pre-term delivery and severe neonatal conditions”.

Sa ulat ng World Health Organization, ang mga komplikasyon sa pagbubuntis at panganganak parin ang nangungunang dahilan sa pagmakatay ng mga kabataang 15 hanggang 19-taong-gulang, sa buong mundo.

Dagdag pa ni Espanol, kailangang magkaroon ng “harmonize efforts” ang mga lokal na pamahalaan para paigtingin ang kaalaman tungkol sa reproductive health.

Ayon sa Popcom, ang bilang ng kaso ng mga panganganak sa edad na 10 hanggang 14-anyos ay bahagyang bumaba ng 6.5% nitong 2019, matapos makapagtala ng 345 na kaso kumpara sa 369 na kaso noong 2018.  Samantala, ang panganganak naman sa kabataang edad 15 hanggang 19- anyos ay bumaba sa 4.8% nitong 2019, matapos magtala ng 19,614 na kaso mula sa 20,613 na kaso noong 2019. Ang datos ay batay sa ulat ng PSA.

 

Source: ABS-CBN News

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

TAAL VOLCANO, ITINAAS SA ALERT LEVEL 2!

Itinaas sa Alert Level 2 (Moderate Unrest) ang Taal Volcano ngayong araw ng Martes, Marso 9, 2021. Ito ay matapos makapagtala ng 28 volcanic tremor episodes, 4 na low frequency volcanic earthquakes, at isang hybrid earthquake sa distansyang hindi lalayo sa...

Dating Governor Ayong Maliksi, Pumanaw Na

Ayon sa Facebook post ni Kawit Mayor Angelo Aguinaldo, pumanaw na ang dating Gobernador na si Ayong Maliksi. Sa Facebook post ni Aguinaldo, ipinarating nito ang pakikiramay sa biglaang pagpanaw ni Maliksi."Taos-puso po akong nakikiramay sa pamilya, mga kaibigan, at sa...

TATLONG DRUG SUSPEK SA CAVITE, PATAY MATAPOS MANLABAN SA PULISYA

Tatlong drug suspek ang nasawi matapos di umano ay manlaban sa ginawang buy-bust operation ng Cavite Police. Ayong kay Col. Marlon Santos, hepe ng Cavite police ang mga napatay na suspek ay pinaghihinalaang tulak ng droga at kinilala na sina Warlito Sinsay, Rene...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.