Pinaalalahanan ni Trece Martires Mayor Gemma Lubigan ang mga nasasakupan matapos makapagtala ng 1 panibagong kaso ng COVID-19 ang nasabing lungsod ngayong Martes, Hunyo 30.

Ang nagpositibo ay kinilalang si Patient No 18, 20 taong gulang na babae na residente ng Brgy. Inocencio. Ito ay nagtatrabaho sa mall. Kasalukuyang asymptomatic at naka-isolate ang nasabing pasyente.

Bagamat ang nagpositibo sa COVID-19 ay nagtatrabaho sa mall, pinaalalahanan ng alkalde ang publiko na umiwas sa matataong lugar gaya ng mall upang maiwasan ang lalo pang pagkalat ng sakit.

“Nung mga nakakaraan, Karaniwan pong nagpapositive sa atin ay mga health care workers, pero ngayon po galing na sa MALL.” ani Lubigan.

“Panawagan po namin, please stay at home at limit your outside exposure to essential activities” dagdag pa nito.

Ayon din dito, disiplina at pakikiisa ang kailangan upang makaiwas sa COVID-19.

“Kapag pumunta kayo sa isang lugar like sa mga banko, or Meralco kagaya kahapon, at nakita nyo po na hindi na possible ang social distancing dahil madami na ang tao at sadyang maliit na ang area, kayo na po mismo ang magdesisyon na wag na makipagsiksikan pa. Kung ipagpipilitan po natin, hindi po natin nakikita kung sino ang carrier sa mga makakatabi nyo. Wag nyo na po hintayin na mag uuwi kayo ng virus sa inyong pamilya.” pahayag ng alkalde.

“Ang tanging panlaban sa Covid ay sarili natin. Gabay ang IATF. Subaybay ang LGU. BY NOW YOU KNOW WHAT TO DO AND AVOID. THE GUIDELINES ARE CLEAR. WE ARE ALL COMPETENT ENOUGH TO UNDERSTAND. Disiplina at ingat na lang ang kailangan natin.” mariing hayag ni Lubigan.

“MAGHIGPIT KAMI OR HINDI, NASA SARILI NYO PO ANG SUSI. MAY GUIDELINES, SUNOD LANG PO TAYO.” ayon din dito.

Sa kasalukuyan, mayroon nang 18 kabuuang kaso ang lungsod ng Trece Martires kung saan 13 dito ang gumaling na, 1 ang namatay at 5 naman ang active cases.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

LABAN PILIPINAS!

LOOK: An exciting and close match-up of Gilas Pilipinas against Dominican Republic were enjoyed together by basketball fans at #SKYRANCHTagaytay’s watch party during the opening of FIBA World Cup on Friday, August 25 💙❤️🏀 Join Watch Parties at select SM malls...

Meralco, magpapatupad ng taas-singil ngayong buwan ng Hunyo

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Panahon ng tag-ulan sa bansa opisyal
nang idineklara ng PAGASA

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, sinimulan na

Inanunsiyo nitong Lunes ng ilang mga kompanya ng langis na magpapatupad sila ng taas preyso ng diesel at kerosene, at babawasan ang presyo ng gasolina simula Martes, Mayo 30. Narito ang ipatutupad na price adjustment ng mga kompanya: Caltex (Alas-12:01 ng hatinggabi)...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.