Ang sunod na batch ng magkakaroon ng face to face na klase ay pinaplano na ng CHED lalo na ang mga kursong kailangan ng hands on na aktibidad tulad ng Engineering, Information Technology, Industrial Technology at Maritime.

Pinag-aaralan na ito ng CHED o Commission on Higher Education na palawakin na unti unti ang Face to Face Class. Sinabi din na matapos itong mapag aralan ay agad itong imumungkahi kay President Duterte para sa pagapruba nito.

Nitong Miyerkules, Hunyo 16, 2021 sinabi ni CHED chairman J. Prospero de Vera III na isisyasatin nila ito upang maisagawa na agad.

“If we see in the data that the students are safe when the guidelines are complied with, what I will do is go to President Duterte and request for approval to expand it to other degree pro-grams that also require face-to-face [classes],” pahayag ni De Vera III.

“But this will depend on the data, our experience in implementing the first batch of face-to-face classes,” dagdag nito.

Pahayag din ni De Vera III na nitong mga nakabalik na ng face to face na klase ay walang naitalang infection ng COVID-19

“That means that if we ensure compliance with guidelines drafted by CHED and the Department of Health (DOH), the students are safe in the face-to-face that we are doing,” pahayag ni De Vera III.

“The only case of infection that CHED monitored was in Eastern Visayas. Our regional office and the university is currently studying what was the reason for it.” dagdag pa nito.

Photo courtesy by Philippine Star

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

Other Stories

Umabot na sa Halos 115,000 Doses ng Bakuna ang Naiturok sa Imus, Cavite

#BidaAngMayBakuna Update:115,000+ COVID-19 Vaccines Administered! Umabot na sa sumakatutal na 115,042 ang bilang ng mga bakunang naiturok para sa first and second dose ng ating vaccination program simula nang ito ay ating inilunsad. Walang patid ang ating pagsisikap...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.