Niyanig ng magnitude 6.3 na lindol ang lalawigan ng Cavite 7:43 nang umaga ngayong araw ng Pasko, Disyembre 25, 2020.

Ayon sa inilabas na detalye ng PHIVOLCS, namataan ang epicenter ng nasabing lindol sa Calatagan, Batangas at naitalang may lakas na magnitude 6.3.

Ang nasabing lindol ay tectonic, samantalang nasa 74 kilometro naman ang lalim nito.

Ayon sa direktor ng PHIVOLCS na si Undersecretary Dr. Renato Solidum, naramdaman din ang pagyanig sa ilang mga lugar katulad ng Metro Manila, Bataan, Mindoro, at Nueva Ecija.

Paglilinaw naman ni Solidum, hindi kinakailangang mangamba sa banta ng tsunami.

Dagdag na paalala ni Solidum, ibayong pag-iingat ang kinakailangan upang masigurado ang kaligtasan ng bawat isa.

Cavite COVID-19 Tracker

Para sa buong talaan ng mga kaso ng COVID-19 sa bawat lungsod at bayan sa Cavite, tignan ang CAVITE COVID-19 TRACKER.

SHARE ON SOCIAL MEDIA

Other Stories

23 Pasyenteng Nakatanggap ng COVID-19 Vaccine, Nasawi

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   23 katao ang namatay sa Norway ilang...

Pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa Cavite, Muling Binabantayan

  Narito ang pinakalatest na update tungkol sa #WALANGPASOK dito sa lalawigan ng Cavite. Huwag kalimutang i-refresh ang aming website para maging updated ka. Updated as of 10:52 AM | November 11, 2020 *No Announcement   Umabot na sa 194 COVID positive...

For more news and important updates about Cavite, please like Proud Caviteño Facebook page.